Friday , November 15 2024
TOPS PSC PAI Chito Rivera Nicola Queen Diamante Patricia Mae Santor
KASAMA ni (PAI) executive director Chito Rivera (R-L) sa programa ang dalawang sumisikat na swimmers na sina Nicola Queen Diamante, 13, mula sa RSS Dolphins club at Patricia Mae Santor, 15, mula sa Ilustre East Swimming Club. (HENRY TALAN VARGAS)

Liderato ng PAI kinilala ng international community

PATULOY ang pagkilala ng international community sa liderato ng Philippine Aquatics, inc. (PAI) na ayon kay Executive Director Chito Rivera ay “tapik sa balikat” sa adhikain na maisulong ang komprehensibong programa hindi lamang sa swimming bagkus sa iba pang haligi ng aquatics ports tulad ng diving, water polo, artistic swimming, at open swimming.

Sa isinagawang Asia Aquatics Convention nitong 25-28 Abril sa Bangkok, Thailand, nahalal sa five-man Ethics Committee si PAI president Miko Vargas, habang kabilang sa 15-man Board of Directors si PAI secretary general at swimming icon Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.

“During the Asian Aquatics convention, muling pinuri ang naging hosting natin sa Asian age group championship last February sa Clark and the election of PAI president (Miko) Vargas and Cong. Buhain sa central board only shows the esteem recognition ng international community sa atin,” pahayag ni Rivera sa ginanap na Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC).

Sinabi ni Rivera na nagpadala ng mensahe ang iba pang  international swimming body tulad ng Singapore at New Zealand para sa isang kolaborasyon para sa pagsasanay ng aquatics athletes, gayondin ang mapataas ang kaalaman ng mga local coaches.

Nakalinya rin sa PAI ang paglahok sa tatlong torneo sa abroad ngayong taon, bukod sa Olympic qualifying para sa elite swimmers na sina Chloe Isleta, Jasmine Alhaldhi, at Kyla Sanchez.

Ipinahayag ni Rivera ang nakatakdang National tryouts sa Agosto para sa koponan na isasabak sa SEA age group championship sa Disyembre sa Bangkok kung saan hinikayat niya ang mga foreign-based swimmers na maglaan ng panahon na magbalik sa bansa para makiisa sa tryouts.

“Open po at para sa lahat ang tryouts kaya hindi na puwede na mag-submit ka lang ng time record mo oks na. Kailangan maipakita mo ang kahusayan mo kaya dapat andito rin sila,” sambit ni Rivera sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, at Pocari Sweat.

Kasama ni Rivera sa programa ang dalawang sumisikat na swimmers na sina Nicola Queen Diamante, 13, mula sa RSS Dolphins club at Patricia Mae Santor, 15, mula sa Ilustre East Swimming Club.

Kabilang sila sa mga kalipikadong maglaro sa Palarong Pambansa sa Hulyo para sa koponan ng National Capital Region.

“First time ko po sa Palaro kaya po masaya ako at excited. Pagbubutihin ko pa po ang training para makamedalya ako. Kung mananalo ako I’m sure buong school naminat ang parents ko masaya rin,” sambit ni Diamante, Grade 8 student sa Augustinian Abbey sa Las Piñas.

Target ni Santor, miyembro ng PH team sa Asian age group, na malagpasan ang isang ginto, isang silver, at dalawang bronze medal na napagwagihan niya sa nakalipas na Palaronng Pambansa sa Marikina City.

“Sakripisyo po talaga sa training at sa pag-aaral, hopefully po mas mapalakas ko ‘yung mga personal best ko,” pahayag ng University of Santo Tomas standout. (HATAW News Team).

About Henry Vargas

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …