SUSUBUKAN na naman ng “cream of the crop” sa Metropolis chess ang pagtatagisan ng isipan sa ibabaw ng 64 square board sa pagtulak ng 4th Edition of Philippines Chess Hall of Fame Rapid Tournament na nakatakda sa bukas, Sabado, 11 Mayo, sa Robinsons Place Manila, sa Pedro Gil cor. Adriatico streets, Ermita, Maynila.
Ang kampeon ay mag-uuwi ng P5,000, habang ang second hanggang fifth placers ay magbubulsa ng P4,000, P3,000, P2,000, at P1,000, ayon sa pagkakasunod. Ang pang-anim hanggang ika-10 ay tatanggap ng tig-P750, habang ang mga nangunguna sa kategorya bilang Top Master, Non-Master, Varsity, Kiddie (10-anyos pababa), Lady, Senior (60-anyos pataas), at ang Unrated ay makakukuha ng Eureka Wooden Chess Board.
Limitado lamang sa 120 manlalaro ayon kay tournament director Martin “Binky” Gaticales.
Ang 1-day event ay magpapatupad ng time control 15 minutes plus 3 seconds increment.
Para sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa mobile number: 09998851432. (MARLON BERNARDINO)
Caption:
MAKIKITA sa isang file photo na pinag-iisipan ni National Arbiter Alfredo Chay ang kanyang mga susunod na hakbang laban kay National Chess Federation of the Philippines board of director Martin “Binky” Gaticales.