INILAHAD ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Erika Dy, abala sa pagsasanay sa darating na mga linggo ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic Qualifying tournament na itinakda sa 2-7 Hulyo 2024 sa Latvia.
Ang Nationals ay naka-grupo sa host team Latvia at Georgia.
Tuloy ang pagsasanay ng Nationals para paghandaan ang FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na 7 Nobyembre sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Samantala, inaabangan ng Gilas women’s team ang Jones Cup sa Hunyo at ang FIBA Women’s World Cup Pre-Qualifying Tournament sa Agosto sa Rwanda.
Sa forum, inihayag din ng opisyal ng SBP na maayos ang takbo tungkol sa proseso ng naturalization para kay Bennie Boatwright, na iniharap sa mga senador sa isang consultative meeting kamakalawa.
Nasa proseso na rin ang SBP sa pagkuha ng naturalization paper para sa 6-foot-4 Nigerian Favor Onoh, na ngayon ay naglalaro sa UP sa UAAP, para sa Gilas women’s team ni coach Pat Aquino.
Ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ay ginaganap tuwing Martes sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)