TATAKBO na ang pinakahihintay na ICTSI-Philippine Athletics Championships ngayong Miyerkoles hanggang Linggo, 8-12 Mayo 2024 na gaganapin sa Philsports Track and Field Stadium, dating Ultra sa Pasig City.
Ang dating Philippine National Open na punong abala ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay ipaparada ang pinakamahusay na homegrown at Fil-foreign athletes na mapapalaban sa pambato ng Malaysia, Hong Kong, Singapore, Thailand, Japan, New Zealand, at United States na sanctioned ng World Athletics at qualifying points para sa Paris Olympics sa taong kasalukuyan.
Lahat ay nakatutok kay Filipino Olympic hopefuls Lauren Hoffman na kamakailan ay may tangan na bagong Philippine record sa Women’s 100-meter at umaasa na makapasok sa Paris meet.
Sa five-day event ay matutunghayan din sina Asian champion Robyn Brown, at Southeast Asian Games gold medalists Eric Cray, Janry Ubas, Kristina Knott at Spain-based full-blooded Filipino John Cabang Tolentino.
Hinati ang event sa tatlong kategorya, ang Elite/Open Men and Women – 20 years old and above (athletes born in the year 2004 and below), U20-Boys and Girls (athletes born in the years 2006 and 2005) at U-18 Boys and Girls (athletes born in the years 2007 and 2011).
Ang ICTSI – Philippine Athletics Championships ay suportado ng International Container Terminal Services, Inc. Foundation, MILO Philippines, CEL Logistics Inc., Pocari Sweat Philippines, SIP Purified Water, Wireless Link Technologies Inc. (WLTI), United Auctioneers Inc., Masiv Sports, Victory Liner, AAI Worldwide Logistics, Inc., at FilAm Sports. (MARLON BERNARDINO)