Sunday , December 22 2024
Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation PCKDF
INIHAYAG ni Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation (PCKDF) president Leonora “Len” Escollante sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports ang isasagawang International Canoe Federation Dragon Boat World Championship sa Puerto Princesa, Palawan. (HENRY TALAN VARGAS)

Kauna-unahan sa bansa  
INT’L CANOE FEDERATION DRAGON BOAT WORLD CHAMPIONSHIP GAGANAPIN SA PUERTO PRINCESA, PALAWAN

PANGMALAKASAN na ang agenda ng Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation para sa ilalargang hosting ng International Canoe Federation Dragon Boat World Championship – kauna-unahan sa bansa – sa Puerto Princesa, Palawan.

Inaasahan ang pagdagsa ng mahigit 3,000 atleta, coaches, at opisyal mula sa 40 bansa sa lalawigang tinaguriang “The Last Frontier” para sa prestihiyosong torneo na nakatakda sa 28 Oktubre hanggang 4 Nobyembre 2024.

“Several European countries like Russia, Slovenia, Poland and Germany (with 190 athletes) are already confirmed their participation. It’s a big challenge for us, but with the help of the Philippine Sports Commission and the City of Puerto Princesa led by Mayor Lucio Rodriguez Bayron, we’re 100 percent ready to host the event,” pahayag ni Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation (PCKDF) president Leonora “Len” Escollante sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’.

Iginiit ni Escollante na mismong si Mayor Bayron ang mangunguna sa binuong local organizing committee ng lungsod upang masiguro ang tagumpay ng hosting – pinakamalaking international tournament na magaganap sa lungsod.

Kabuuang 58 events ang nakatayang paglabanan sa torneo para sa juniors, mixed, open and masters.

Bukod sa regular na Philippine Team, kakatawanin din ang bansa ng mga kompetitibong koponan tulad ng Siargao at Cebu na ayon kay Escollante ay pawang mga kampeon sa masters event ng PCKDF.

“Bilang pampagana and also to drumbeat the world tournament, magsasagawa muna kami ng Club competitions two weeks before the meet kaya inaanyayahan namin ang mga club teams na sumali dito. This is also part of our talent search program,” sambit ni Escollante sa weekly sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, at Pocari Sweat.

Target ng bansa na makamit ang overall championships hindi man matumbasan ang anim na gintong medalyang napagwagihan noong 2018 edition na ginanap sa Atlanta, Georgia.

“Hindi kasi tayo nakasali noong 2022 edition kaya ngayon natin puwedeng malagpasan ‘yung gold medal haul noong 2018 and hopefully makuha natin ang overall championships,” aniya.

Ikinalugod ni Escollante ang suportang ipinarating ng Malacañang para sa ikatatagumpay ng torneo.

“Na-inform na po kami ng Malacañang para sa iskedyul na makausap ang Pangulong Marcos. Malaking bagay po ito para sa sports at hosting,” ayon kay Escollante.

Bago ang World tilt, nakahanay para lahukan ng Philippine Team ang China Open Championship sa Shanghai sa 2 Hunyo, gayondin sa International Open meet sa Russia sa 14 Hunyo. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …