Thursday , May 15 2025

Sa reklamo ng kani-kanilang asawang kapwa pulis  
ILLICIT AFFAIR, DYUGDYUGAN NG 2 PARAK SA LOOB NG TSEKOT IPINABUBUSISI

042924 Hataw Frontpage

ni BOY PALATINO

LAGUNA – Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Rommel Marbil sa CALABARZON police na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa dalawang pulis na sinabing nahuling nagtatalik sa parking lot ng Carmel mall sa Barangay Canlubang sa Calamba City, nitong Huwebes ng umaga.

“Natanggap ko na ang report kahapon, inutusan ko ang Regional Director ng PRO4A na mag-imbestiga sa kaso ng isang policewoman na kinilala lamang sa pangalang alyas Say, nakatalaga sa Calamba police station at isang pulis din na kinilalang si alyas Acu, na nakadetalye sa Regional Investigation and Detection Unit (R7) sa Camp Vicente Lim police headquarters, at sinampahan ng kasong adultery at concubinage sa Provincial Prosecutor Office noong Biyernes.”

Ang dalawang akusado ay nahaharap din sa mga reklamong administratibo sa Regional Internal Affairs Service-Calabarzon.

Sinabi ng opisyal ng National Police Commission (Napolcom), ang dalawang akusadong pulis ay mahaharap sa mga reklamong administratibo.

“Depende sa proof of evidence na ihaharap nila sa RIAS, although naka-duty sila pero naka-civilian cloth, hindi naka-uniform ng pulis. Baka ang administrative case ay for unbecoming of police officer,” anang opisyal.

Ang akusadong policewoman ay nananatiling ‘at large’ habang ang sinabing ka-illicit affair nitong pulis ay naka-hospital arrest sa Global Care Medical Center ng Canlubang dahil sa tama ng bala sa kanyang balikat at binti mula sa kanyang misis na pulis.

Ang mga opisyal ay isasailalim sa restrictive custody habang nakabinbin ang mga kasalukuyang kasong kriminal at administratibo.

Nabatid na ang akusadong policewoman ay nagpapadala ng surrender feeler sa kanyang dating superior na handa siyang isuko ang sarili sa mga awtoridad.

Isang mataas na opisyal ng pulisya, humiling na huwag banggitin ang kanyang pangalan dahil sa sensitibong kaso, ay nagsabi na ang akusadong babaeng pulis ay itinanggi ang akusasyon, at sinabing hindi siya nakikipagtalik sa ibang pulis sa loob ng sasakyan sa isang parking lot sa Barangay Canlubang noong Huwebes bandang 10:00 am.

Batay sa nakuhang close-circuit television camera (CCTV) footage video, makikita ang dalawang pulis na nasa loob ng puting Toyota Veloz, may plakang DAQ-9545 na nakaparada sa lugar ng Carmel Mall, Canlubang nang ang mga complainant na kapwa pulis, kinilala sa alyas na Major Buk at isang policewoman na alyas Master Sergeant Mari ay dumating sakay ng isang sasakyan.

Sinabi ng isang security guard, na nakatalaga sa terminal ng jeep, napansin lamang niyang nagkaroon ng kaguluhan sa parking lot at isang hindi kilalang lalaki ang bumaba sa sasakyan, binaril ang gulong ng sasakyan saka sinundan ang mga tumakas na pulis.

Sinabi ng guwardiya na tinted ang sasakyan ng akusadong pulis at walang nakakakita sa kanilang ginagawa sa loob ng sasakyan kapag madaling araw sa parking lot.

Matagal nang hinala ng mga nagrereklamo na may bawal na relasyon ang kanilang mga asawa.

Sinabi ng mga nagrereklamo na nahuli nila sa akto ang kanilang mga asawa na nakikipagtalik sa loob ng sasakyan na nakaparada sa lugar nang sinubukan nilang komprontahin ang mga akusado.

About Boy Palatino

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …