MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin ang sektor ng pangingisda sa kanilang lungsod.
Ito ay matapos isagawa ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang orientation para sa 130 mamamalakaya na nagkaroon ng mahahalagang pag-aaral at tips para sa sektor ng mamamalakaya hinggil sa mga makabagong paraan ng pangingisda at mga pundamental na batas kaugnay sa paggamit at pagpapahalaga sa Inang Kalikasan o ang natural resources.
Katuwang ng alkalde sa naturang proyekto ang Pasay City Environment and Natural Resources Office (PCENRO) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay Rubiano, dahil sa patuloy na pagbabago ng kalagayan ng lungsod at ng bansa, mahalaga na ang pagtutulungan sa kanyang nasasakupan ay isinusulong ang tuloy-tuloy na pag-aaral lalo sa batas at mga gawain bilang bahagi ng paglilingkod sa mamamayan. (NIÑO ACLAN)