Sunday , December 22 2024
Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa May 10 and 11 sa Music Museum.

Ayon kay Ice nang ma-interview ng Marites University, ang audience ang guests niya dahil sila ang makikikanta sa songs na laging kinakanta sa karaoke.

Alam mo naman ang Karaoke sa buhay ng Pinoy. Halos lahat na yata ng okasyon natin sa buhay eh may karaoke! Kaya para sa kanila ang show at siyempre, may sorpresa rin kami sa kanila,” saad ni Ice.

Natanong din ng MU kay Ice ‘yung birthday present niya kay Bossing Vic Sotto niya na nagbihis-babae siya.

Tinawagan ako days before ‘Bulaga’ kung bakante ako. Sumagot ako and next na tawag, naglambing na! Kung puwede ako maging isa sa Singing Gals ng Peraphy at bihisan ako na babae.

“Okay lang naman. Sabi ko, wala akong wig, heels, gown at dibdib! Sila raw ang bahala.

“Nang bihisan ako, iibahin daw nila name ko. Pero habang tinitingnan ko ang sarili ko, si Caring (mother niya) ang kamukha ko! Ha! Ha! Ha!

“Of course, pagmamahal ko ‘yon kay Bossing na bahagi na ng buhay ko mula noon hanggang ngayon!”pahayag pa ni Ice.

Si Ice rin ang director ng show at ang partner na si Liza Dino Seguerra ang namamahala sa lahat na siyang utak ng ng shows niya. 

Ayon nga kay Ice, hindi siya mahilig sa plano kaya nagkakasundo sila ni Liza!

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …