Friday , August 15 2025

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo na ng Philippine Navy para sa pagtatanggol sa ating teritoryo.”

Ito ang pangako ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos bisitahin sa BRP Tarlac sa Subic ang mga empleyado ng Senado na lumalahok sa Basic Citizen Military Course (BCMC) noong Lunes ng hapon.

“Ang ibig sabihin nito, may kakampi kayo sa Senado na patuloy na palalakasin natin ang modernization. ‘Yan ang ipinapangako namin sa inyo, hindi kami magiging bulag, hindi kami magiging bingi sa pangangailangan ng sundalo,” ani Padilla sa kanyang mensahe.

Dagdag ni Padilla, tiyak na may susuportang mga reservist mula sa Senado, sa oras na makompleto nila ang BCMC.

“Asahan ninyo magiging maingay kami pagdating sa modernization ng Navy,” aniya.

Ginunita ni Padilla ang karanasan niya nang kasama niya ang Navy at nakipaghabulan sila sa China Coast Guard sa West Philippine Sea noong 2021.

Doon niya nakita na kahit malaki at armado ang barko ng China Coast Guard samantala rubber boat lang ang sasakyan nila at tumirik pa ang makina, hindi sila umatras.

Ani Padilla, nang tinanong sila ng taga-China Coast Guard kung bakit sila nandiyan, matapang pa rin na sinagot ng mga Navy na “amin ito.”

“Anong lesson sa nangyari sa atin? Huwag tayo magpapa-bully. Kahit na sila ang pinakamalaki, sila ang sinasabi nating pinakamayaman, ang asset natin ang kabayanihan ng ating sundalo. Maaasahan natin at ‘yan ang nakita ko,” ani Padilla. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …