Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop sa Nueva Ecija chess sa 1st CNES Chess Tournament na nakatakda sa 11 Mayo 2024 sa Waltermart, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

May kabuuang P20,000 cash prize ang ibibigay sa mga magwawagi sa 7-round Swiss competition na pinangunahan ng Cabanatuan North Elementary School.

Ang kampeon ay mag-uuwi ng P5,000, habang ang second hanggang sixth placers ay magbubulsa ng P3,000, P1,500, P1,000, P700 at P500 ayon sa pagkakasunod.

Ang kiddies winner ay kikita ng P2,000, habang ang second hanggang fifth placers ay tatanggap ng P1,000, P700, P500 at P400 habang ang pang-anim hanggang ika-10 ay tatanggap ng tig-P200, ang 11th hanggang 15th ay P100 bawat isa, habang ang mga makapapasok sa top 2 finishers para sa Top Senior, Top Female, Top College, at Top High School ay kikita ng P300, at P200, ayon sa pagkakasunod.

“We do this to promote chess in the grass roots level and to discover future chess talents and champions,” sambit ni Nueva Ecija top chess player Benjamin Bauto.

Mag-call o text sa mobile number: 09171009491 para sa ibang detalye. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …