Sunday , December 22 2024

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) dulot ng pagbaha kamakailan, nanawagan si Senador Manuel “Lito” Lapid sa pamahalaan na marapat igawad ang lahat ng tulong sa kanilang mga naulila.

Ayon kay Lapid, ang pagbaha po sa Dubai, UAE ay isang malagim na paalala ng patuloy na lumalaking hamon ng pagbabago ng klima sa ating daigdig. Saan man tayo sa mundo ay hindi po natin dapat isawalang bahala ang panganib na maaaring maranasan ng ating mga kababayan na nagsasakripisyo para matustusan ang kanilang mga pamilya.

Iginiit ni Lapid, sa panahon sa kasalukuyan ay  maraming digmaan, lindol, at iba pang mga kalamidad, dapat manatiling handa ang ating mga kababayan at pamahalaan na tumugon sa mga hamon kahit kailan ito dumating.

“Sila ang mga tunay na bagong bayani na nagbubuwis ng buhay para sa kanilang pamilya at  ekonomiya ng bansa,” ani Lapid.

Kaugnay nito, hiniling ni Lapid sa pamunuan ng DMW-OWWA na agad asikasohin ang mga labi ng OFWs para maiuwi sa Filipinas at maibigay kaagad ang mga benepisyong nararapat na matanggap ng  kanilang mga kaanak.

“Muli, kasama ang aking pamilya, nakikiramay po ako sa lahat ng mga naulila at mga mahal sa buhay ng tatlong OFWs sa Dubai,” pagwawakas ni Lapid. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …