Sunday , December 22 2024
Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang nakatanggap ng livelihood assistance ngayong linggo mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pamamahagi ng tulong, na isinagawa noong 16-19 April 2024, ay may layuning mapagaan ang mga hamon na kinakaharap ng lalawigan tulad ng African Swine Fever (ASF) outbreak, oil spill mula sa MT Princess Empress, at ang matinding tagtuyot dulot ng El Niño na nagtulak sa pamahalaang panlalawigan na ilagay ang ilang lungsod sa ilalim ng state of calamity.

Nasa 150 indibiduwal mula sa Mansalay ang nakatanggap ng tulong mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP), habang 1,500 benepisaryo mula sa Roxas at Pola, Oriental Mindoro ang nahandugan ng tulong mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Kabilang sa mga benepisaryo ang persons with disabilities (PWDs), solo parents, mga magsasaka, miyembro ng sektor ng kababaihan, at mga may-ari ng maliit na negosyo.

Ang isa sa mga benepisaryo ng AICS program na si Maria Teresa Regalado, isang biyuda at solo parent mula sa Roxas, ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa mga Cayetano.

“Napakalaking blessing po itong ibinigay ninyo sa amin. Makatutulong po ito sa araw-araw na gastusin at sa pagpapaaral po sa aking anak na graduating,” aniya.

               Nagpahayag din ng pasasalamat sa mga senador si Renato Severa, isang tricycle driver na nakikipagsapalaran sa taas ng presyo ng mga bilihin at krudo.

“Maraming salamat po sa inyo. Gagamitin ko po ito sa pag-aaral ng aking mga anak at panggastos po araw-araw. Para po ito sa aking pamilya,” wika niya.

               Naisakatuparan ang pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng koordinasyon sa pagitan ng tanggapan ng magkapatid na senador at mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro, kasama sina Vice Governor Ejay Falcon, Mansalay Mayor Ferdinand Maliwanag, Roxas Mayor Leo Cusi, Sr., Pola Mayor Jennifer Cruz, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Ikalawang Distrito na sina Atty. Roland Ruga, at Atty. Jomarc Philip Dimapilis.

“Maraming salamat po sa tulong ninyo sa aming mga kababayan na lubos na nangangailangan. Asahan po ninyo ang sambayanang Mindoreño ay tumatanaw ng utang na loob sa inyo.” wika ni Vice Governor Falcon.

Wika ni Atty. Ruga, “Tunay nga po ang pagkakaisa ng lider ng ating pamahalaang nasyonal at lokal, kapag nagsama-sama at nagkaisa, makakahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.”

Tulong para sa mga iskolar ng Calapan, Oriental Mindoro

Bukod sa programang AICS at SLP, may karagdagang 50 iskolar mula sa Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro ang nabigyan ng toolkit ng mga Cayetano matapos ang kanilang pagsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ang mga nagsipagtapos ay kumuha ng kursong Driving sa ilalim ng National Certification. Level II o NC II.

Sa pakikipagtulungan nina Calapan City Mayor Marilou Morillo, Infinity Technical Vocational School Inc. (ITVSI) President Hazelle Morillo, at Provincial Director ng TESDA sa Oriental Mindoro na si Ben-Hur Baniqued, naisakatuparan ang pamamahagi ng mga toolkit na nagbigay sigla sa mga iskolar. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …