Friday , November 15 2024
PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa inagurasyon ng bagong MRI and CT scan equipment.

Ayon kay Dr. Sonia Gonzalez, PCMC Executive Director, ang naturang bagong kagamitan ay malaking tulong upang lalo pang maitaas ang serbisyo sa healthcare services at infrastructure para sa mga batang Pinoy.

Kasunod ng kanyang papuri sa naging bahagi ni Senadora  Pia Cayetano para mapondohan at kanilang makamit ito.

Dahil sa dagdag na MRI TESLA at CT Scan machines, ay mas higit na mapagsisislbihan ng  PCMC ang kanilang mga pediatric patient. Ang kanuna-unahang MRI machine sa buong bansa at pag-upgrade sa CT scan ay inaasahang makapagsisilbi nang dobleng bilang ng mga kasalukuyang pasyente at makapagbibigay ng mas malinaw na resulta.

“These equipment would allow us to serve more children and help our medical personnel diagnose their patients faster and better,” ani Cayetano.

“Through the said funding, PCMC was also able to renovate its radiology division. This is after 40 long years,” pahayag ng isa sa mga kawani ng PCMC.

Bago pa man ang inagurasyon, katuwang ni Cayetano si Senador Christopher  Lawrence “Bong” Go sa  PCMC’s World Liver Day celebration. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …