Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven kilig sa love language ni Marco: nilinis nadumihang paa

I-FLEX
ni Jun Nardo

WHAT you see is what you get! ‘Yan ang paulit-ulit na sagot ni Marco Gallo kung in a relationship na sila ni Heaven Peralejo.

Muling humarap sa media ang MarVen tandem para sa Viva movie nilang Men Are From QC, Women Are From Alabang.

Base sa best-selling book of the same name ni Stanley Chi ang ginawang movie sa couple na mula sa QC at Alabang.

Para kay Marco, hindi raw sagabal ang distance para sa dalawang nagmamahalan. Sa totoo lang, gumagastos siya ng almost P30K a month sa Grab para mapuntahan si Heaven.

Ayon naman kay Heaven, gusto niya ang love language sa kanya ni Marco at ito ay ang pagsilbihan siya.

“Eh minsan, sa shooting namin, nadumihan ang paa ko. Ang ginawa ni Marco, nilinis niya ang paa ko para maisuot ang slippers na gamit niya. Ganoon ang love language niya sa akin,” sambit ni Heaven sa mediacon.

Matapos ang ginawa ng MarVen na Rain In Espana at The Ship Show, muling kiligin sa bagong movie nina Marco at Heaven na mapapanood sa May 1 sa sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …