ni Allan Sancon
HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga nanood ng premiere night na When Magic Hurts na dinaluhan ng mga lead stars na sina Beaver Magtalas, Mutya Orqiuia at Maxine Trinidad. Kasama ang mga supporting cast members na sina Angelica Jones, Dennis Padilla, Aileen Papin at marami pang iba.
Pinalakpakan ang pelikula dahil sa ganda ng istorya at galing ng akting ng mga artistang nagsipagganap. Isa pa rito ay ang galing ng cinematography ng pelikula dahil ipinakita sa movie ang ganda ng Atok, Benguet.
Bagamat mga baguhan sa pag-arte sina Maxine at Beaver, kinakitaan naman sila ng galing sa pag-arte. Gayundin naman si Mutya na alam naman nating nagsimula sa showbiz bilang child star.
Nakakikilig ang mga eksena nina Beaver at Mutya sa pelikulang ito. Masasabi talaga nating sila ang Rico Yan at Claudine Barretto ng kanilang henerasyon.
Hindi rin matatawaran ang galing pa rin sa pag-arte nina Claudine at Dennis Padilla na una palang nagsama sa pelikulang ito. Very promising din ang anak ni Claudine na si Quia Barretto na gumanap bilang batang Mutya na manang-mana sa kanyang nanay na si Claudine na magaling din umarte.
Ang When Magic Hurts is a feel good movie directed by Gabby Ramos. Siguradong mai-inlove kayo sa character nina Beaver, Claudine, at Maxine sa pelikulang ito. Showing very soon in cinemas nationwide.