Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta para sa ICTSI Philippine Athletics Championships na nakatakda sa 8-12 Mayo 2024 sa Philsports Track and Field sa Pasig City.
Ang kaganapan, dating kilala bilang Philippine National Open, at ang mga kalahok ay ikinategorya sa ilalim ng mga sumusunod na kategorya: Elite/Open Men and Women – 20 anyos pataas, mga atleta na ipinanganak noong taon 2004 at pababa; U20 – Boys and Girls – mga atleta na 18 at 19 anyos hanggang sa 31 Disyembre sa taon ng kompetisyon (mga atleta na ipinanganak sa mga taong 2006 at 2005) at U-18 Boys at Girls – mga atleta na 17 anyos o mas bata sa 31 Disyembre sa taon ng kompetisyon (mga atleta na ipinanganak sa mga taong 2007 at 2011).
Sinabi ni Sportsman Reli de Leon, special assistant ni PATAFA president Terry Capistrano, ang event ay nakarehistro sa ilalim ng Category B sa global calendar ng World Athletics at nagsisilbing qualifying tournament para sa paparating na 2024 Paris Olympics.
Kasama ni De Leon sina PATAFA secretary general Jasper Tanhueco at National coach Jeoffrey Chua sa Tuesday session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Media Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Ang kaganapan ay bukas sa publiko at inaasahang makaaakit ng mahigit 700 lokal at dayuhang mga atleta mula sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Thailand, at iba pang mga dayuhang club na nakompirma na ang pagpaparehistro.
Bukod rito, sasabak ang mga Fil-heritage athletes mula sa Japan, Guam, at USA. Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa 30 Abril 2024.
Ang ICTSI Philippine Athletics Championships ay suportado ng International Container Terminal Services, Inc. Foundation o ICTSI Foundation, MILO Philippines, at CEL Logistics Inc., Pocari Sweat Philippines, SIP Purified Water, Wireless Link Technologies Inc. (WLTI), United Auctioneers Inc., Masiv Sports, Victory Liner, AAI Worldwide Logistics, Inc at Filam Sports. (MARLON BERNARDINO)