Sunday , April 27 2025
Sa 2 buybust operations sa Laguna P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Sa 2 buybust operations sa Laguna  
P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na anti-illegal drug buybust operation ng pulis-Biñan at pulis-Alaminos sa lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang mga suspek na sina alyas Hari, residente sa Quiapo, Manila, alyas Joseph residente sa Dasmariñas City, Cavite, alyas Menchie residente sa Sta Rosa City, Laguna, at alyas Jaycob residente sa Lipa City, Batangas.

Sa ulat ni P/Lt. Col. John Eric Antonio, hepe ng Cabuyao Component City Police Station, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng drugs buybust operation nitong madaling araw ng Biyernes, 12 Abril, ganap na 4:57 am, sa Brgy. Sala, Cabuyao City, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sina alyas Menchie, nakatalang HVI (High Value Individual), at alyas Jaycob SLI (Street level individual), matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ang marked money.

Nakompiska sa mga suspek ang siyam na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 55 gramo, nagkakahalaga ng P374,000, isang pirasong P500 bill na buybust money, 19 piraso ng P500 boodle money, isang pirasong weighing scale, isang blue belt bag, isang unit ng Vivo cellphone, kulay pula, at isang unit ng Honda TMX motorcycle, kulay itim.

Sa hiwalay na operasyon ng Aliminos Municipal Police Station, naaresto rin sina alyas Hari at alyas Joseph dakong 3:15 am nitong Biyernes, 12 Abril 2024 sa Brgy. San Juan Alaminos, Laguna matapos magbenta ang mga suspek ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ang marked money.

Nakompiska sa mga suspek ang anim pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, tinatayang may timbang na 20.5 gramo, at may halagang aabot sa P139,400, isang piraso ng P1,000 na ginamit bilang buybust money, isang pirasona P500 bill recovered money, at isang unit ng Toyota Vios, kulay itim.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating unit ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa pahayag ni P/Col. Unos, “Sa patuloy na pagtutulungan ng ating komunidad at pulisya, matagumpay na naisasagawa ang mga police operation dito sa buong lalawigan. Ang operasyon ng Laguna PNP laban sa ilegal na droga ay mahigpit naming tinututukan, upang masawata ang lahat ng mga drug personalities ay tutugisin namin kayo.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …