I-FLEX
ni Jun Nardo
PAHINGA muna sa mga edgy roles ang aktor na si Jameson Blake sa bagong Regal movie na Guilty Pleasure.
Matapos maging adik at iba pang characters sa past films, isang rookie lawyer ang magiging role niya sa Lovi Poe starrer.
“That’s why, I read law books, watch legal series para naman maging credible ang dating natin as a lawyer,” pahayag ni Jameson.
Isang legal drama ang movie na si Connie Macatuno ang director na siyang nagdirehe kay Lovi sa pelikulang Malaya.
Tatapusin ni Lovi ang movie bago gawin ang pangarap na project na action ang tema bilang pagsunod sa yapak ng amang si Fernando Poe, Jr.
Ito ang unang venture ng itinayong film production ni Lovi na Cest Lovi Productions.