NAGHAHANDA na si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. para sa 2024 Metro Manila Film Festival.
Ito ang naibahagi ng senador nang makatsikahan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) officers and members kamakailan. Aniya, sa pagbabalik pestibal ay gagawin niya ang hit movie na Alyas Pogi 4 na target makasama si Andrea Brillantes.
Bukod kay Andrea, makakasama rin ng senador sina Boyet de Leon, Carlo Aquino at marami pang bigating artista lalo na’t pang MMFF ito.
Bukod sa Alyas Pogi 4 ay nasa proseso rin ang pag-uusap nila nina Coco Martin at Sen. Lito Lapid para sa pelikulang pag sasamahan nila pagkatapos ng Alyas Pogi 4.