Tuesday , March 11 2025
Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali
Gen Eslapor sa aksyon noong nakaraang Disyembre ng Volleyball World Beach Pro Tour Challenge sa Nuvali.

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang-host ng Smart Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open simula sa Huwebes (Abril 4) hanggang Linggo.

May kabuuang 46 squads, kabilang ang apat mula sa Team Philippines at gayundin mula sa Australia at New Zealand, ang sasabak sa apat na araw na event, isa sa anim na internasyonal na torneo na inoorganisa ng PNVF ngayong taon bago ang makasaysayang solo hosting ng FIVB Volleyball. Men’s World Championship 2025.

“Ang Pilipinas ay naging destinasyon para sa parehong rehiyonal [Asia at Southeast Asia] at internasyonal na mga kumpetisyon ng volleyball at ipinagmamalaki natin, lalo na dahil tayo ang host ng championship sa mundo sa unang pagkakataon sa susunod na taon,” saad ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Ang mga tiket sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open na pangunahing sinusuportahan din ng PLDT at ng Lungsod ng Santa Rosa ay available na ngayon sa www.ticketmax.ph, kung saan ang mga beach volleyball fans ay maaari ding mag-avail ng P220 day pass.

Ang PNVF at Nuvali Sand Courts ng Ayala Land ay nagho-host ng pangalawang major international tournament mula noong Volleyball World Beach Pro Tour Challenge noong Disyembre—na ang Ayala venue ay nag-host din ng Philippine National Games at Batang Pinoy noong Disyembre bukod sa pagiging opisyal na tahanan ng mga pambansang beach volleyball team ito rin ang gustong lugar nang pagsasanay para sa mga national squad ng Japan.

Pagkatapos ng AVC Beach Pro Tour na sinusuportahan ng Foton, Akari, Mikasa, Senoh, Seda, Asics, Cignal, One Sports, One Sports+ at Pilipinas Live, ang PNVF at Nuvali ang magho-host ng Volleyball World Beach Pro Tour-Futures sa Abril 11 hanggang 14.

Ang koponan ng Pilipinas sa ilalim ng Brazilian coach na si Joao Luciano Kiodai at Mayi Molit-Prochina ay magkakaroon ng women’s pairs nina Gen Eslapor at Kly Orillaneda, at Alexa Polidario at Jenny Gaviola sa main draw.

Ang mga tandem nina James Buytrago at Rancel Varga, at Ranran Abdilla at AJ Pareja ay kinatawan din ng bansa sa men’s main draw.

Tatlong koponan mula sa Australia, Japan at Thailand, dalawang pares mula sa Hong Kong, Singapore, Kazakhstan at New Zealand, pati na rin ang mga women’s squad mula sa Indonesia, Macau at Malaysia ang nagkumpirma ng kanilang pakikilahok.

Sa men’s division, tatlong koponan ang pinasok ng Australia, Japan at Thailand, tig-dalawa ang Indonesia, Kazakhstan, Iran at New Zealand, habang nasa mix din ang China, Malaysia, Hong Kong, Singapore at Macau.

Nangunguna sa PNVF international calendar ngayong taon ang pagbabalik ng Volleyball Nations League Men’s Week 3 mula Hunyo 18 hanggang 23.

Kasama rin sa kalendaryo ng PNVF ang 5th AVC Challenge Cup for Women sa Mayo, 4th Southeast Asia V League Week 2 sa Hulyo at ang Volleyball World Pro Tour Challenge din sa Nuvali sa Nobyembre. (Hataw News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Caelan Tiongson BINI Aiah Arceta

BINI Aiah at PBA cager Caelan lumalalim ang friendship

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang PBA cager na si Caelan Tiongson para kay BINI member Aiah. Nahati …

Jose Antonio Ejercito Goitia

Pag-angkin ng China sa Palawan binatikos ng partylist nominee

SUMIKLAB ang matinding batikos matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus ng …

Taguig

Kandidatura ni Direk Lino Cayetano, nabulilyaso

SA DESISYONG ipinalabas ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 nitong 5 Marso 2025, …

Pasig City

Tserman inireklamo kay Mayor Vico dahil sa ‘illegal’ multi-purpose hall

NAGHAIN ng reklamo sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang kompanya laban …

031025 Hataw Frontpage

Ombudsman kinalampag ng SINAG, graft vs NFA officials pinamamadali

NANAWAGAN ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kay Ombudsman Samuel Martires na kanilang isapubliko ang …