Sunday , December 22 2024
Pinoy wreslers Olympics
SINA Russian wrestler star Aleksandr Safronov bilang head coach (L-R) at Wrestling of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar sa kanilang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ noong Huwebes sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, manila. (HENRY TALAN VARGAS)

Pinoy wreslers, kayang umabot sa Olympics

KUMPIYANSA si Wrestling of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na ang mga repormang ipinatupad sa asosasyon ay magbubunga ng walang pagsidlang tagumnpay para sa Pinoy wrestlers kabilang ang muling pagsabak sa Olympics.

 Iginiit ni Aguilar, founder ng pamosong Mixed Martial Arts promotion na Universal Reality Combat Championships (URCC), na ang pagdating ni Russian wrestler star Aleksandr Safronov bilang head coach ay nagbigay nang mas matatag na programa para sa kaunlaran ng wrestling sa bansa.

 “Safronov father used to coach the Russian wrestling team noong panahong buo pa ito. As a fighter during his time, tinalo na niya (Safronov) lahat ng mga high caliber wrestlers sa Russia, kaya malaking bagay sa ating mga atleta yung technique na naibibigay niya,” pahayag ni Aguilar sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, manila.

Sa katunayan, pumitas ng medalya ang Pinoy wrestlers, sa pangangasiwa ni Safronov sa United World Wrestling (UWW) United World Grappling Asian Championships nitong nakalipas na taon sa Astana, Kazakhstan bunga ng masinsin na pagsasanay ni Safronov.

 Hataw sina Fierre Afan at Maria Aisa Ratcliff ng gintong medalya sa kani-kanilang event sa Under20 at Open class, ayon sa pagkakasunod na ayon kay Aguilar ay nagpatibay sa katayuan ng Pinoy bilang ‘force to reckon with’ sa wrestling.

 “Kung grappling lang ang pag-uusapan, talagang shoo-in ang Pinoy sa Olympics. Kayang-kaya natin yan. Actually, may mga na-recruit kaming Fil-Am na talagang world ranking but nagkaroon lang ng isyu sa documents, kung nagkataon meron na tayong official na qualify sa Paris Olympics this August,” pahayag ni Aguilar sa liungguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

 Sa kabila ng kabiguang, makuha ang serbisyo ng dalawang Filipino-foreign athletes, sinabi ni Aguilar na malawak na ang pinagkukunan ng talent ng bansa bunsod na rin sa ipinatupad ng (WAP) na Regionalization programa para sa walang humpay na aktibidad sa mga lalawigan kabilang na ang pagsasagawa ng seminars, training at tournaments na magagamit sa kanilang recruiting system.

“Walang dahilan para huminto ang ating mga kababayan sa sports ng wrestling. Kahit limitado ang aming budget, sinisiguro naming na makakarating sa kanilang ang programa dahil kami na mismo ang pupunta sa kanilang mga lugar,” aniya.

 Bilang bahagi pa rin pagpapatibay para sa hinahangad na Olympic slot, isasagawa ng WAP ang Asian Continental Grappling Championship sa susunod na buwan sa Tagaytay Combat Center.

 “It’s a promised I have to fulfill as WAP president to send a Filipino wrestler to Olympics,” sambit ni Aguilar.

Sa talaan, ang huling Pinoy wrestlers na nakaabot sa Olympics ay sina Florentino Tirante (men’s -52kg freestyle/Greco Roman) at Dean-Carlos Manibog (men’s -60kg freestyle) noong 1988 edition sa Seoul, South Korea. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …