Sunday , December 22 2024
Buhain Richard Bachmann
MASINSIN na nakikipag-uusap si Rep. Buhain kina PSC Commissioner Edward Hayco (nakatalikod) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann. (HENRY TALAN VERGAS)

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong na House Bills at House Resolutions na nagbibigay pagkilala sa kababaihan sa larangan ng sports at pagpapatayo ng mga pasilidad para sa malawakang programa sa grassroots sports development.

Bilang isang Olympian at Philippine Sports Hall-of-Famer, iginiit ni Buhain na isang karangalan na maging bahagi sa pagbibigay kahalagahan at pagkilala sa mga natatanging atletang Pinoy na tulad niya ay walang hinangad kundi ang makapagbigay ng karangalan sa bansa.

“Nakakatuwa dahil bilang isang dating atleta, naramdaman ko na sa pamamagitan ng mga panukalang ito ay mabibigyan ng importansya ang bawat atletang pilipino. Gayundin sa pamamagitan nito’y mas mapapagyayaman natin ang larangan ng isports sa ating bansa,” pahayag ni Buhain, vice-chairman ng Youth and Sports Committee sa House of Representatives.

Isang malaking hakbang ng Kongreso ang House Bill na pagsusulong na mabigyan kaukulang  Karapatan, Proteksyon at Patas na oportunidad  ang mga babaeng atleta na ayon kay Buhain ay may malaking kontribusyon sa kalinangan ng sports sa bansa.

Tinampukan ni Hidilyn Diaz ang matinding sakripisyo ng mga babaeng atleta na nagbigay ng dangal sa bansa sa nakalipas na mga dekeda nang pagwagihan ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics noong 2021 sa Tokyo.

Nais itong pagtibayinng Kongreso sa isinusulong na resolusyon na mabigyan ng pagkilala at parangal ang international tennis phenom na si Alex Eala, gayundin ang mga koponan ng Philippine boxing na kina bibilangan ng mga babaeng fighters na sina Nesthy Petecio, Aira Villegas, Hergie Bacyadan at Rogen Ladon sa nakamit na gintong medalya sa Boxam Elite Tournament sa La Nucia, Alicante, Spain.

Nasundan ang tagumpay nina Petecio (57 kg.) at Villegas (50 kg.) nang kapwa makausad sa semifinals ng 1st World Qualification Tournament sa Busto Arsizio, Italy nitong Marso 12 para makamit ang minimithing tiket para sa 2024 Paris Olympics.

Ikalawang pagkakataopn ito para sa 25-anyos na Petecio, na nagwagi ng silver sa Tokyo Games, habang unang pagkakataon ss quadrennial meet ng 23-anyos na si Villegas.

Tinalakay din sa naturang House hearing na nilahukan ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangunguna ni Chairman Richard Bachmann ang resolusyon para sa pagtatatag ng mga sports academy, training centers and sports arena sa mga sentrong lalawigan sa bansa para maisakatuparang ang ‘Regionalization Sports’ program ng administyrasyon ng Pangulong Marcos. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …