Saturday , November 16 2024
Kheith Ryhnne Cruz TOPS Olympic

TOPS Olympic slots, target ni table tennis star Kheith Rhynne Cruz

MABIGAT ang hamon na kakaharapin ni Pinay table tennis phenom Kheith Ryhnne Cruz para sa minimithing Olympic slots, ngunit buo ang loob ng kasalukuyang World Table Tennis Youth Challenge 19-under champion na masusundan niya ang mga yapak ng namayapang idolo na si Ian Lariba.

Nakatakdang sumagupa ang  Philippine women’s No.1 sa dalawang Olympic qualifying tournament sa European Open sa Abril at sa Asian Table Tennis Championship sa Bangkok, Thailand sa Mayo – kung saan kakailanganin niya ang isang himala para makalagpas sa nakapabigat na laban.

“Sa Europe Open po sa mixed doubles po ako lalaro kasama si kuya John Nayre, dito po kailangan naming makalusot dahil top 4 lang ang mabibigyan ng slots para sa Paris Games. Sa Asian Championships naman po sa women’s singles ako lalaro at kanilangang kong magchampion dahil isang slot lang ang nakailangan para sa Olympics,” pahayag ni 17-anyos at world rank No. 66 sa 17-under class.

“Sobrang bigat po ng laban, pero handa po ako na matumbasan yung tiwala at suporta ng ibinibigay sa akin ng ating mga kababayan at mga sponsors na patuloy na nagtitiwala sa aking kakayahan. Kaya po focus ako sa training at sa mga pagkakataong nakalaro sa abroad ginagalingan ko po talaga,” aniya.

Matapos makopo ang kampeonato sa WTTYC nitong nakalipas na Disyembre sa Palawan, humataw ang Grade 12 student ng Paco Citizen Academy Foundation sa serye ng torneo sa US upang higit na maihanda ang sarili  para sa katurapran ng kanyang ultimate goal – ang makalaro sa Olympics.

“Kung papalarin ako this year, malaking pasalamat po, pero kung hind isa susunod na Olympics tatargetin ko, ito po yung dream ko yung matularan ang success ng idol kong si Ate Yan-Yan (Lariba),” aniya patungkol sa namayapang Olympian.

Sa Silicon Valley Table Tennis Tournament sa San Francisco, California nitong Pebrero 17-19, kumubra si Kheith Rhynne ng apat na gintong medalya sa Under-19 singles, Open singles, U19 mixed doubles kasama ang Amerikanong si Bosman Botha at  Open womens doubles katuwang ang Korean na si Dongheon Lee.

Nauna rito, sa Sacramento Winter Open Table Tennis nitong Eneron27-30, kumubra si Cruz ng gintong medalya sa Open Singles at Mixed doubles event kasama si Kenneth Pinili.

“Super pong nakaka-proud na makalaro sa world class tournament. Nandito po kasi yung mga World rank players kaya inspired akong maglaro lalo na maka-gold. Sana poi magpatuloy ang suporta sa akin para mapagpatuloy ko po ang training dito sa US,” aniya.

Nakatakdang tumulak pabalik sa California si Kheith Ry nne para magsanay sa Triple 8 Club Center na pinangagasiwaan ng Pinoy migrant na si Ivy Spencer.

“Sa US po kasi mas Magandang mag-training kumpara sa China. Una syenpre sa communications, pangalawa sa China mahirap lumaro sa mas mataas na level, dito sa US walang problema kubng gusto mong labanan yung mga wirkd-rank players,” pahayag ni Cruz na suportado ng Table Tennis Association for National Development (TATAND), Joola at  XIOM – isang Korean brand na sponsors ng mga pamosong world champion. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …