Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Showtime Eat Bulaga

Eat Bulaga sasabayan pasabog ng It’s Showtime sa Abril 6

I-FLEX
ni Jun Nardo

LIPAT-BAHAY na nga ang It’s Showtime sa GMA Network bilang kapalit ng Tahanang Pinasaya. Hindi lang sa GMA channel ito mapapanood kundi pati sa GNTV ng GMA, huh.

Itinaon sa birthday ni Vice Ganda ang initial telecast nito sa April 6. Sa buwan din ng Abril ang 15th anniversary ng noontime show.

Natatandaan namin noon nang nag-alsa-balutan ang Eat Bulaga from Channel 2 patungo sa GMA. May parada ring naganap habang papunta sa GMA ang host ng EB led by Tito, Vic and Joey.

Now, ang It’s Showtime naman ang pumarada patungo sa GMA building na naganap sa isang studio ang contract signing at pag-welcome sa hosts at executives ng ABS-CBN.

Ayon kay Ms Anette Gozon-Valdez, “expect more collaborations from us. We want to showcase ang galing ng Filipino!”

Of course, sa paglipat ng It’s Showtime, handa naman ang TVJ Productions ng Eat Bulaga na sabayan ang pasabog na magaganap sa TV sa April 6!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …