KINOMPIRMA ni Senadora Risa Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relationship and Gender Equality, natanggap ng abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ‘appointed son’ Pastor Apollo Quiboloy ang inilabas na show cause order ng senado laban sa kanya.
Ito ay matapos mabigo ang mga kaalyadong Senador ini Quiboloy na makakukuha ng majority support ang miyembro ng komite upang maibasura ang mosyon na I-contempt ni Hontiveros, chairman ng komite Laban kay Quiboloy sa patuloy niyang pag-isnab sa imbitasyon ng senado ukol sa akusasyong human trafficking.
Layon ng order na makipag-ugnayan si Quiboloy sa senado sa loob lamang ng 48 oras upang ipaliwanag kung bakit hindi siya maaaring arestohin ng senado.
Nilagdaan nina Hontiveros at Senate President Juan Miguel Zubiri ang show cause order Laban kay Quiboloy.
Sa sandaling mabigo si Quiboloy na makioag-ugnayan sa senado sa loob ng 48 oras ay maaari na siyang arestohin ng mga tauhan ng Sargent at Arms ng senado.
Dahil dito puwersahang dadalhin ng tauhan ng OSSA si Quiboloy para dumalo sa pagdinig ng senado ukol sa imbestigasyon Laban sa kanya.
Ngunit hinihintay pa rin ni Hontiveros na matanggap ang mismong address ng tahanan sa Davao.
Iginiit ni Hontiveros, anoman ang mangyari ay mananatili pa rin sa loob ng 48 oras ay dapat siyang sumagot kung hindi ay maaari na siyang arestohin. (NIÑO ACLAN)