Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
RP Blu Boys JHL Jean Henri Lhuillier

JHL nagalak  
CEBUANA LHUILLIER SOFTBALL TEAM WAGI SA PANGEA CUP INT’L SLO PITCH TOURNEY

MULING nagwagi ang RP Blu Boys, na ipinagtanggol ang kanilang titulo sa Men’s Super Division ng Pangea Cup International Slo Pitch Tournament, base sa dominating performance ng Cebuana Lhuillier Softball Team,

Ang kompetisyon, na ginanap sa Villages sa Clark Field, Pampanga mula 8-10 Marso 2024, ay nagpakita ng lakas at talento ng iba’t ibang koponan sa iba’t ibang nasyonalidad, ngunit ang Cebuana Lhuillier ang naghari.

Nagawa ng Cebuana Lhuillier-backed team na lampasan ang lahat ng iba pang koponan sa torneo nang hindi natatalo kahit isang laban. Nagawang igiit ng RP Blu boys ang kanilang mga sarili bilang  pinakamahusay sa torneo na may mga sumusunod na record: CL 10 vs Korea Guzzlers 4; CL 10 vs Taiwan Wolves 6; CL 14 vs Saigon Buffalo 6; CL 11 vs Shanghai Stepdads 6; CL 18 vs Taguig Generals 1. Semis: CL 13 vs Japan Ole Dogs 1; at para sa huling laban ng tournament, Super Division Finals CL 12 vs USA Fattboyz Worldwide 6.

Sa pagninilay sa tagumpay ng koponan, ipinarating ni Cebuana Lhuillier President Jean Henri Lhuillier ang kanyang kagalakan para sa mga nagawa ng koponan, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng kanilang tagumpay at ang dedikasyon na kanilang ipinakita sa buong torneo. “This goes to show that once talent is fostered with hard work, no goal is impossible to achieve. Their resounding triumph at the Pangaea Cup is a true testament to their dedication to the game.”

Sa gitna ng kapanapanabik na mga laban at kapansin-pansing pagtatanghal, ang espesyal na pagkilala ay dahil kay RP Blu Boys Head Coach Jasper Cabrera, itinanghal na MVP ng Men’s Super Division. Ang kanyang pamumuno at mga kontribusyon ay naging instrumento sa paggabay sa Cebuana Lhuillier sa isa pang matagumpay na kampanya. (MB)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …