Saturday , November 16 2024
Michael Concio Chess
MAKIKITA sa larawan mula kaliwa hangang kanan sina MCA secretary Rona Bautista, GM Eugene Torre, FM Roel Abelgas (2nd place), IM Michael Concio, Jr., (champion), Jonathan Jota (3rd), MCA president Engr. Lauro Bautista at NCFP Region IV Director AGM Dr. Fred Paez. (MB)

FIDE Rapid Rated event:  
IM CONCIO KAMPEON SA 1ST MARINDUQUE NAT’L CHESS CHAMPS

Final Standings:

(Open Division, 83 participants)

6.5 points—IM Michael Concio Jr.

6.0 points—FM Roel Abelgas, Jonathan Jota

5.5 points—IM Daniel Quizon, IM Ricardo de Guzman, IM Angelo Young, IM Barlo Nadera

5.0 points—GM Darwin Laylo, Sherwin Tiu, Jeremy Marticio, FM Alekhine Nouri, Domangoag Pongan Jr.,  Samson Chiu Chin Lim Iii, Jan Francis Mirano, NM Edmundo Gatus, IM Jose Efren Bagamasbad, NM Jasper Faeldonia

4.5 points—IM Ronald Dableo, NM Emmanuel Emperado, Ernie Faeldonia, Lani Jagong

(Kiddies division, 40 participants)

6.5 points—NM Mar Aviel Carredo

5.5 points—Jerick Faeldonia, John Curt Valencia

5.0 points—Jude Angelo Dableo , Yukihiro Funayama, Jeanne Marie Arcinue

4.5 points—WNM Zhaoyu Capilitan, Aldrich Rendon, Lenette Sharmaine Oh, John Meneses Jayag, Maria Fatima Jimenez

MANILA — Pinagharian ni top seed International Master (IM) Michael Concio, Jr., ng Dasmariñas City, Cavite ang katatapos na 1st Marinduque National Chess Championship (FIDE Rapid Rated event) na ginanap sa Marinduque Convention Center sa Boac, Marinduque noong Linggo, 10 Marso 2024.

Nagtala si Concio ng 6.5 puntos para masungkit ang titulo sa open division at maibulsa ang P50,000 top purse kasama ang tropeo sa seven-round Swiss system tournament na itinaguyod nina Gov. Presbiterio Velasco at Rep. Lord Allan Velasco at magkatuwang na inorganisa ng Marinduque Chess Association ( MCA) at Boac Knight Chess Club Inc.

Sa kanyang pagtungo sa titulo, tinalo ni Concio sina Francis Ligon ng Manila sa unang round, Ernie Fetisan Faeldonia ng Odiongan, Romblon sa second round, NM Edmundo Gatus ng Maynila sa ikatlong round, NM Emmanuel Emperado ng Maynila sa fourth round, IM Ronald Dableo ng Maynila sa ikaanim na round at IM Daniel Quizon ng Dasmariñas City, Cavite sa ikapito at huling round. Na-draw niya si IM Ricardo de Guzman ng Cainta, Rizal sa fifth round.

“I am happy for winning the 1st Marinduque National Chess Championship. I wish that my luck will remain the same in my next tournament,” pahayag ng 18-anyos na si Concio, freshman Bachelor of Science in Information Systems student sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas, suportado nina Dasmariñas City mayor Jenny Barzaga at Rep. Elpidio Barzaga.

Naungusan ni FIDE Master Roel Abelgas ng Dasmariñas City, Cavite ang kaparehong six pointer na si Jonathan Jota ng Maynila para makuha ang second place honors dahil pumangatlo ang huli.

Nakatanggap sina Abelgas at Jota ng tig-P30,000 at P20,000 na may kasamang tropeo.

Naungusan ni Quizon ang kapwa 5.5 pointers na sina de Guzman, IM Angelo Young ng Manila at IM Barlo Nadera ng Malabon nang magtapos sila sa ikaapat, ikalima, ikaanim at ikapitong puwesto. Si Quizon ay nag-uwi ng P10,000, si De Guzman ay nakakuha ng P7,000, si Young ay tumanggap ng P5,000 habang si Nadera ay nagbulsa ng P3,000.

Umabot sa top 10 sa open division na may tig-5.0 puntos sina GM Darwin Laylo ng Marikina City, Sherwin Tiu ng Manila, at Jeremy Marticio ng Cabuyao, Laguna.

Samantala, si NM Mar Aviel Carredo ng Dasmariñas City, Cavite, ang nanguna sa kiddies division na may 6.5 puntos, angat ng isang puntos kina 2nd place Jerick Faeldonia ng Maynila at 3rd place John Curt Valencia ng Dasmariñas City, Cavite.

Sina Jude Angelo Dableo ng Maynila, Yukihiro Funayama ng Marinduque, at Jeanne Marie Arcinue ng General Trias City, Cavite ay nagtapos sa 4th, 5th at 6th placers na may tig-5.0 puntos. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …