Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ASAPHIL Softball
PINANGUNAHAN ni ASAPHIL President at Cebuana Lhuillier CEO, Jean Henri Lhuillier, ang isang souvenir photo kasama ang pambansang koponan. (MB)

ASAPHIL naghahanda para sa International Softball Competition sa 2024

PUSPUSAN sa paghahandaang Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL), para sa isang serye ng mga inaabangang internasyonal na kompetisyon na nakatakda ngayong taon, 2024.

Kilala sa pagsasanay ng mahuhusay na mga atleta sa iba’t ibang kategorya, matatag na nangangako ang ASAPHIL na sila’y handa na upang lumikha at magsagawa ng mga kamangha-manghang aksiyon para sa Filipinas sa antas internasyonal.

Kabilang sa mga marquee event sa radar ng ASAPHIL ay ang Men’s Softball World Cup 2024, na nakatakdang ganapin sa Hermosillo, Mexico, mula 12-16 Hunyo ngayong taon.

Nangangako ang kilalang tournament na titipunin ang mga top-tier na bansa sa softball sa buong mundo sa isang matinding labanan para sa supremacy, at ang ASAPHIL ay nag-aalok ng pangunahing plataporma upang ipagmalaki ang kanilang mga kakayahan at makipagkompetensiya sa tuktok ng isport.

Bukod dito, kapansin-pansin ang fixture sa agenda ng ASAPHIL na WBSC U-18 Women’s Softball World Cup, kinikilala bilang ang nangunguna sa internasyonal na youth softball extravaganza.

Nakatakdang mangyari ang kompetisyon mula 29 Agosto hanggang 2 Setyembre 2024, sa Dallas, USA, at nangangako ng pagkakataon para sa mga umuusbong na talento ng ASAPHIL na ipakita ang kanilang mga kasanayan sa pandaigdigang antas at magkamal ng napakahalagang karanasan.

Naghahanda rin ang ASAPHIL dahil nakatakda silang lumahok sa Canada Cup International Women’s Softball Championship, na nakatakda sa 1-7 Hulyo 2024, sa Surrey. Ang iginagalang na torneo ay umaakit sa mga nangungunang koponan mula sa buong mundo at nagsisilbing isang mahalagang plataporma para sa mga babaeng atleta ng ASAPHIL upang ipakita ang kanilang husay at makilahok sa world-class competition.

Ayon kay ASAPHIL President at Cebuana Lhuillier CEO, Jean Henri Lhuillier, “We are incredibly excited and proud to represent the Philippines on the international softball stage across these three different categories. These tournaments will provide us with an excellent opportunity to showcase the talent and dedication of our athletes. We are confident that our teams will give their all and make our country proud.”

Sa mataas na pag-asa at determinasyon, handa ang ASAPHIL na gumawa ng marka at mag-iwan ng pangmatagalang impresyon sa pandaigdigang komunidad ng softball ngayong 2024. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …