Saturday , November 16 2024
Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim
BAGITO man sa laban, hindi naunsiyami nina Antonia Lucia Raffaele (kanan) at Zoe Lim ang sambayanan sa pakitang-gilas na kampanya sa artistic swimming.

Pinay artistic swimmers nagpakitang-gilas sa AAGC

CAPAS, Tarlac –  Bagito man sa laban, hindi naunsiyami nina Antonia Lucia Raffaele at Zoe Lim ang sambayanan sa pakitang-gilas na kampanya sa artistic swimming ng 11th Asian Age Group Championships Lunes ng gabi sa  New Clark Aquatics Center..

Napabilib ng 13-taong-gulang na si Antonia, isang mag-aaral sa St. Scholastica’s Academy sa Bacolod City, ang maliit na grupo ng Pinoy crowd sa kanyang palabas sa sa saliw ng musika na new York, New York, ngunit sadyang mataas ang panuntunan ng international judges atnabigyanlamang siya ng 114.8200 puntos sapat para sa ika-12 puwesto sa kabuuang 14 kalahok sa girls’ 13-15 class.

Naungusan ni Jamanchaluva Dayana ng Kazakhstan si Dai Ya ng China sa pamamagitan ng iskor na  233.5386 laban sa kanyang karibal (233.1047) para masungkit ang gintong medalya. Nakuha ni Makhmudova Sabina ng Uzbekistan ang bronze sa iskor na 200.5405.

“It’s a great experience. Participating in this kind of high-level competition is already an achievement that’s why I expressed my gratitude to coach Giella and to the Philippine Aquatics, Inc. (PAI),” pahayag ni Antonia.

Ang kanyang kaibigan at long-time swimming companion na si Zoe Lim na naunang magpakitang gilas  girls’ 12-under class ay tumatak sa kanyang routine sa saliw ng Mambo Italiano,  ngunit ang kanyang husay ay sapat lamang para sa ika-11 na puwesto (99.0298) sa event na pinangungunahan ng Chinese Xing Yutong na may score na 200.0355.

Nakuha ni Kasatkina Elizaveta ng Uzbekistan ang silver medal sa 196.6779 habang ang Singaporean na si Lim Isabella Jia Yi ay nakakuha ng bronze sa 194.4735.

“I’ll just try my best and enjoy these chances of competing against the best in Asia.,” sambit ni Zoe, 12-year-old Grade schooler mula sa St. John’s Institute.

Sinabi ng artistic swimming coach na si Giella Sanchez na labis niyang ipinagmamalaki ang mga pagtatanghal nina Zoe at Antonia, sa kabila ng kakulangan ng karanasan at pagsasanay, partikular na ang paglahok sa kompetisyon sa abroad.

“They both started with me when they were 3 years old (in our learn to swim program, WeSwim Aquatics), and they started competing in swimming (competitive) when they were 6 years old. Nguni,t nagsimula ang kanilang artistic swimming training noong siya ay 9 na taong gulang (Zoe) at 10 taong gulang (Antonia). Sumali si Antonia sa Singapore Invitational Artistic Swimming Championships noong 2019 at parehong nakagawa ng ilang Online / Virtual Artistic Swim competitions noong pandemya (2021 – 2022),” sabi ni Sanchez.

Inamin ni Sanchez na banyaga pa rin ang artistic swimming sa bansa, ngunit nanatili siyang umaasa na maaaring magbago ang sitwasyon sa kanilang pagkakalantad at ang bagong grassroots program na ipinakita ng bagong pamunuan sa swimming – ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) – na pinamumunuan ng pangulo nito na si Miko Vargas at ang Secretary-General na two-time swimming Olympian Batangas 1st District Rep. Eric Buhain. 

“The best is yet to come for Philippine artistic swimming,” dagdag ni Sanchez na nagpapatakbo ng kanyang artistic swimming academy sa Bacolod City. (Hataw News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …