Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ajido Swimming
NASUNGKIT ng 14-anyos mula sa Antipolo City, na si Jamesray Michael Ajido   ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa Asian Age Group Championships. (LARAWAN NG AAG)

Ajido, umukit ng kasaysayan sa Asian swim meet

CAPAS, Tarlac  — Nagmarka ng kasaysayan si Jamesray Michael Ajido sa continental swimming competition. At nagawa niya ang impresibong performance sa harap nang nagbubunying pamilya at kababayan.

Nasungkit ng 14-anyos mula sa Antipolo City ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa Asian Age Group Championships sa ika-11 edisyon ng torneo nitong Miyerkoles ng gabi sa New Clark City Aquatics Center.

Naungusan ng National junior record holder sa 13-under ang mga karibal sa boys’ 100-meter butterfly sa kahanga-hangang tyympong 55.98 segundo, mas mabilis sa dating meet record na 56.36 na naitala ni Wang Yu Xiang ng Chinese-Taipei noing 2019.

Ginapi ng La Salle-Greenhills stundent at Palarong Pambansa at Batang Pinoy champion ang pambato ng  Japan na si  Yusei Yisiono at Taiwanese Kan Yung Cheng, na tumanggap ng silver at bronze sa teympong  56.05 at 56.79, ayon sa pagkakasunod.

“Hindi ko ine-expect, basta binigay ko lang lahat ng makakaya ko. Yung sigawan ng crowd saka ko narealize na panalo ako,” pahayag ng two-time ASEAN Age-Group gold medalist.

Hindi magkamayaw ang hiyawan at kasiyahan ng kanyang mga temamates at coaching staff, gayundin ang crowd na kinabibilangang ng kanyang mga magulang at kamag-anak gayundin ang pamunuan ng Philippine Aquatics, Inc (PAI) sa pangunguna ni Secretary-general at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na buong puwersang nagtungo sa Tarlac para suportahan ang batang kampeon.

“Pambawi ito, dahil sa first chance ko sa medalya bronze lang nakuha ko,” aniya, patungkol sa napagwagihang bronze medal sa boys 50m freestyle sa ikalawang ara ng kompetisyon.

Ikinalugod ni Buhain ang naging kampanya ng Team Philippines sa ikatlong araw ng kompetisyon, higit sa naibigay na kasaysayan ni Ajido sa Philippine swimming.

“Masayang-masaya po kami sa PAI. Malaking karangala ang ibinigay ng ating mga swimmers especially the gold medal win ni Jamesray (Ajido). May isang araw pa ang laban, hopefully madagdagan pa ito kaya sa ating mga kababayan, halina’t magtungo kayo rito sa Tarlac at ating suportahan ang ating mga atleta,” sambit ni Buhain.

Bukod sa bronze medal ni Ajido, ipinagdiwang din ng delegasyon sa pamumuno nona head coach Rami Ilustre at PAI grassroots development director dating Olympian Pinky Brosas, ang bronze medal nina Fil-Brit Heather White (100m butterfly)  at  Jasmine Mojdeh (200m butterfly) kagabi.

“They respond positive immediately after meeting them. Sinabon ko eh, mababa ang performance sa Day 1 eh!,” pabirong pahayag ni Brosas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …