Saturday , November 16 2024
Buddy Encarnado NCRAA

Bago, talentadong local cager target sa NCRAA 30th Season

HANGAD ni General Manager Buddy Encarnado, dating PBA chairman at team governor ng Sta. Lucia, na makatuklas at makapagpaunlad ng mga bagong lokal na talento sa basketball,  sa pagbubukas ng National Capital Region Athletic Association (NCRAA) 30th Season sa darating na Biyernes, 1 Marso 2024, sa Philsports Arena, Pasig City.

“Basically, we want to become a vibrant partner of Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). We want to ensure that we develop new faces, discover talent from far-flung places. I will go around and try to see if there will be some students who can take advantage sa mga scholarship na iniaalok ng mga paaralan para bigyang buhay ang kanilang pangarap na maging isang basketball star,” ani Encarnado, at binigyang diin na ang patakaran ng liga ay walang dayuhang manlalaro.

Ang lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum ay ginaganap sa conference room ng Philippine Sports Commission building sa Vito Cruz St., Malate, Maynila.

Panauhing pandangal sa pagbubukas ng liga si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Erika Dy.

Kasama sina Mr. Benjamin Hernandez ng PATTS College of Aeronautics, NCRAA president at Professor Mary Grace Demetillo ng St. Dominic College of Asia,

Hazel Mea ng Lyceum University of the Philippines -Laguna, Engr. Ted Cada (AIMS), at Chloe Mamon ng Immaculada Concepcion Colleges, sa sesyon, sa pakikipagtulungan ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PLDT/Smart, MILO, at ang 24/7 sports app sa bansa, ArenaPlus. (HENRY TALAN VARGAS)

About Henry Vargas

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …