I-FLEX
ni Jun Nardo
PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To Believe in Magic sa idinireheng ovie ni Gabby Ramos na When Magic Hurts.
Inanunsiyo ito ni direk Ramos sa mediacon ng movie na pinagbibidahan nina Beaver Martalas, Mutya Orquia, at Maxine Trinidad mula sa REMS Productions.
Either sa South Korean or Japan sana nakatakda itong i-shoot para makisabay sa nauuso noon na Korean o Japanese movies.
Pero nang may magrekomenda na sa Atok, Benguet sila mag-shoot, natuklasan ng production ang isang paraiso na hindi pa masyadong nadidiskubre.
Makikita sa When Magic Hurts ang ganda ng Atok, Benguet sa isang kuwento ng pagmamahalan.
Nang matanong si Beaver kung kanino siya mapupunta sa dalawang leading ladies, bitin niyang sagot, “Panoorin po ninyo dahil sorpresa ito ng movie.”
May mga movie nang nagawa si Beaver pero sa When Magic Hurts, mas malaki ang exposure niya’t puno ng challenges ang ginampanang character.