NANINDIGAN ang beteranang kolumnista na si Cristy Fermin na hindi siya hihingi ng apology kina Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at former QC Congressman Bong Suntay.
Ayon sa pahayag ni Cristy na inilabas sa 24 Oras, wala siyang binabanggit na pangalan ng politiko sa mga sinabi niya tungkol kay Dominic Roque kaugnay ng condo at gasolinahan at sinabing benefactor ang mga ito ng aktor.
Naglabas na si Dominic ng statement through his lawyers kaugnay ng inilabas ni Fermin pati na ang Clean Fuel gas station na nagsabing brand ambassador lang nila ang aktor.
Naku, sa isyung ito, ang pagbe-bake ang ginagawa ni Bea Alonzo na nananatiling tikom ang bibig sa kontrobersiya.