Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Mark Daluz Chess

Sa Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament
FM DALUZ WINALIS MGA KATUNGGALI

MARIKINA CITY — Napanatili ni FIDE Master (FM) Christian Mark Daluz ang mainit na simula at pinamunuan ang Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament sa Jesus Dela Peña Covered Court sa Marikina City noong Sabado, 10 Pebrero 2024.

Si Daluz, miyembro ng University of Santo Tomas (UST) chess team sa ilalim ng gabay ng GM candidate na si Ronald Dableo ay nagwalis sa kanyang mga assignment at nakakuha ng 7.0 points para mag-uwi ng P10,000 cash prize.

“Masayang-masaya ako sa aking pagkapanalo dahil halos lahat ng nangungunang manlalaro sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya ay sumali sa torneo,” sabi ng 21-anyos residente ng Sampaloc, Maynila sa isang panayam noong Linggo.

Umiskor si FM Noel Dela Cruz ng 6.5 puntos habang tinapos nina GM Darwin Laylo, NM Phil Martin Casiguran, Jeremy Marticio, IM Daniel Quizon, Leonel Escote, Carlo Caranyagan, at Jonathan Jota ang torneo na may katulad na 6.0 puntos.

“Ang kaganapan ay naglalayong bumuo ng mahuhusay na nag-iisip sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga diskarte at taktika ng chess, pagpapabuti ng mga lohikal na kakayahan at makatuwirang pag-iisip at pangangatuwiran ng mga kalahok, at pagtanim ng isang pakiramdam ng tiwala sa sarili, pagpapahalaga sa sarili at pakikipagkaibigan,” sambit ni dating National Chess Federation of the Philippines director Thaddeus Antonio “Boy Bolok” Santos, Jr.

Samantala, nanalo si WNM Antonella Berthe Racasa bilang Top Marikina Junior Chess Player award. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …