Sunday , December 22 2024
Magno Rosaupan Chess Richard Dela Cruz Rainier Pascual
NANALO si National Master Carlo Magno Rosaupan (gitna) sa 4th Noypi Chess Training Tournament-1850 pababa noong Linggo, Enero 28, 2024, sa SM Center Sangandaan, Caloocan City. Nasa larawan din sina (mula kaliwa) Tournament Director at Chief Arbiter NA Richard Dela Cruz at Deputy Chief Arbiter NA Rainier Pascual pagkatapos ng awarding ceremony

NM Rosaupan kampeon sa 4th Noypi chess tilt

CALOOCAN CITY—Nagkampeon si National Master (NM) Carlo Magno Rosaupan ang katatapos na 4th Noypi Chess Training Tournament-1850 pababa noong Linggo, Enero 28, 2024, sa SM Center Sangandaan, Caloocan City.

Ibinulsa ni NM Rosaupan, na naglalaro para sa Cavite Spartans sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), ang P5,000 pitaka at ang medalya para sa paghahari sa torneo na nasilayan ang 75 woodpushers.

Nagkaroon siya ng halos perpektong kampanya matapos magtala ng 6.5 puntos sa seven-round Swiss system competition.

Tinalo niya sina Jian Cedrick Bautista sa first round, Emiliano Colindres sa second round,  Edwin Aguilar sa fourth round, Emil Chua sa fifth round, Marlou Guatno sa sixth round at Randy Turreda sa seventh at final round.

Naputol niya ang kanyang second-match winning streak nang magkaroon siya ng draw laban kontra kay engr. Ernie Faeldonia sa ikatlong round.

“I am so very happy for winning the 4th Noypi FIDE Rated 1850 and below Chess Tournament, which was held in SM Center Sangandaan, Caloocan City,” sabi ng 44 years old Rosaupan nitog Martes na may Rango na Ssg sa Philippine Army at ang Unit assignment ay SSC, HHSG, PA.

Si Harris De Guia ay pumangalawa sa kabuuan na may 6.0 puntos.

Ang second place finish ni De Guia ay nakakuha siya ng P2,500 at isang medalya, habang ang ikatlong pwesto ay napunta kay Jaime Criste na may katulad na 6.0 points para makakuha ng P1,500 at isang medalya.

Ang pang-apat hanggang 10th placers ay sina John Lee Antonio (5.5 ), Jonathan Reyes (5.5), Randy Turreda (5.5), engr. Ernie Faeldonia (5.5), Clefzon Limpo (5.0),  Joshua Roque (5.0) at Jerick Faeldonia (5.0).

Sinabi ng organizer ng torneo na si National Arbiter (NA) Richard Dela Cruz na ito ang kanilang ika-apat na pagkakataon na mag-host ng Noypi chess tilt na nagtatampok ng mga pro at amateur woodpushers, na sinuportahan nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman at President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. at Novelty Chess Club top honcho Sonsea Agonoy. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …