CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA—Si Philippine Army Corporal (Cpl.) Raquel C. Suan ang naging unang kampeon sa Cabanatuan Rapid chess tournament na nagtapos dito kamakailan sa SM City Cabanatuan.
Ang 32 taong gulang na si Suan, nakatalaga sa unit sa 14IMB IMCOM PA sa Camp General Mateo M. Capinpin sa Tanay, Rizal ay na nagtapos kasama sina Samuel Mateo at Jewello John Vegafria sa unahang puwesto na nag marka ng tig 5.5 puntos, ngunit nanaig sa Bucholz tiebreak ang una (Suan) para masungkit ang titulo.
Sinabi ni Suan na nagmula sa Sapang Dalaga, Misamis Occidental na ang kumpetisyon ay naglalayong ipakita ang husay sa chess gayundin ang pagpapakita ng sportsmanship at pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan sa mga woodpushers.
Tampok din sina Teijin Marquez, WNM Jersey Marticio, Joshua Alindogan at Eduardo Lacson sa ikaapat hanggang ikapito na may magkaparehong 5.0 puntos.
Sina Carlo Lucas, Gian Miel Mandagan, Jeremy Marticio, Rainjay Elejo at Rodmarc Estabillo ay nalagay sa walo hanggang labindalawa na may tig-4.5 puntos.
Si John Red De Leon ang lumabas bilang nangungunang Kolehiyo na may 4.0 puntos, si Joselito Marcos ang nakakuha ng pinakamataas na Senior award na may 4.0 puntos, habang si Kristel Bunag ang pinakamahusay sa mga babaeng entries na may 4.0 puntos. (MARLON BERNARDINO)