MANILA—Inaasahan na magpapakitang gilas sina International Masters Paulo Bersamina, Jan Emmanuel Garcia at Ricardo de Guzman sa pag tulak ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP)rapid chess championship na tinampukang San Juan Predators Chairman’s Cup kung saan makakaharap nila ang mahigpit na linya ng mga katunggali ngayong Linggo, Enero 28, 2024 sa Level 1 Digiworld Robinsons Galleria, Ortigas Center sa Quezon City.
“Ito ay magiging isang napakahirap na laban. I will try my very best to perform well in this event,” ani Bersamina, na sariwa mula sa overall fifth place finish sa Philippine National Chess Championship na ginanap sa Marikina Community Convention Center noong Enero 7.
Ang 1 day chess tournament na sinusuportahan ng The Michael Angelo Foundation Inc., na inorganisa ng HubzStar Chess Center, na masy basbas ng Games and Amusements Board (GAB) sa pakikipagtulungan ni PCAP Commissioner Atty. Paul Elauria, nag-aalok ng P10,000 at tropeo sa kampeon. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni San Juan Predators Team Owner at PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua.
“Ginagawa namin ito para i-promote ang chess sa grassroots level at para matuklasan ang mga future chess talents at champions,” sabit naman ni Tournament director Coach Hubert Estrella.
Ang iba pang woodpushers na sumali sa kompetisyon ay sina WIM Jan Jodilyn Fronda, FIDE Masters Randy Segarra at Narquingden Reyes, NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr, Karl Victor Ochoa, Atty. Rodolfo Enrique Rivera, Noel Jay Estacio, Eladio Lim III, Gener Lumanog at Carson, California based Danilo Jorda, at iba pa.
Sa kiddies challengers, top seed si Danry Seth Romualdez habang pangalawa si Caleb Royce Garcia. (MARLON BERNARDINO)