Sunday , December 22 2024
Jose Efren Bagamasbad Angelo Abundo Young Chess

IM Young nagkampeon sa Tarlac rapid chessfest

TARLAC CITY—Naiskor ni International Master Angelo Abundo Young ang krusyal na panalo laban kay International Master Jose Efren Bagamasbad sa ikaanim at huling round upang angkinin ang kampeonato ng JHC Chess Club Open Rapid Chess Tournament noong Linggo, Enero 21, 2024 sa San Miguel Elementary School sa Tarlac City.

Nanaig si Young,   8 times na Illinois USA Champion, pagkatapos ng 65 moves ng Queen’s Gambit Declined Opening gamit ang itim na piyesa.

Si Young, head coach ng Emilio Aguinaldo College chess team sa ilalim ng pangangasiwa ni EAC Sports Head Dok Lorenzo C. Lorenzo ay tumapos sa six-round Swiss system competition na may walang talo na 5.0 puntos mula sa apat na panalo at dalawang tabla para pamunuan ang 15 minutes plus 5 seconds increment time control format na sinuportahan ni Tarlac City mayor Maria Cristina Cuello Angeles kasabay ng pagdaraos ng Fiesta ng Lungsod.

Matapos makipag draw kina Joshua Magno sa ikalawang round at National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa ikatlong round, ang residente ng Tondo, Maynila na si Young, ay nakabangon at ipinakita ang kanyang layunin sa pagkapanalo sa pamamagitan ng pagwawagi ng tatlong sunod na laban kasama ang dating solo leader na si IM Bagamasbad sa huling kanto.

Iyon lang ang kailangan ni Young para makuha ang titulo na may pinakamataas na output na 5.0 puntos. Nagbulsa siya ng P2,000 at tropeo para sa kanyang pagsisikap.

Si Bagamasbad, sa kabilang banda, ay nakakuha ng two way tie para sa pangalawa kay Magno na may katulad na 4.5 puntos. Si Bagamasbad, ang reigning back-to-back Asian Senior Chess Champion (higit sa 65 na kategorya) ay nakopo ang pangalawang puwesto na parangal sa bisa ng mas mataas na tie-breaker.

Si Bagamasbad ay tumanggap ng P1,000, habang si Magno na tumabla kay NM Bernardino sa huling round ay nakakuha ng P500 para sa pangatlo.

Ang pang-apat hanggang ika-6 na puwesto na may tig-4.0 puntos ay sina CM Genghis Imperial, James Henry Calacday at NM Bernardino.

Sina Angelito Hizon at Henry Calacday ay nagtapos sa ikapito at walong puwesto na may tig-3.5 puntos.

Umabot sa top eleven (11) placers na may tig-3.0 puntos sina Edwin Cortez, Noel Jay Estacio at AFM Romeo Rodney Palaming.

Samantala, sinabi naman ni Bayanihan Chess Club legal counsel Atty. Si Rodolfo Enrique “Rudy” Rivera ang tinanghal na top senior player award.

“Muling pinatunayan ni International Master Angelo Abundo Young ang kanyang husay sa chess sa pagkapanalo sa JHC Chess Club Open Rapid Chess Tournament noong Linggo,” ani Atty. Rivera.

“It was a blessing to win this tough tournament at the start of the year,” sambit naman ni IM Young na nagpapasalamat sa kanyang pamilya at kay EAC Sports Head Dok. Lorenzo C. Lorenzo.

Ang Chief Arbiter ay si National Arbiter Regina Calacday. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …