I-FLEX
ni Jun Nardo
LAGING gamit ni Pops Fernandez ang salitang always kapag pumipirma ng autograph para sa fans.
Kaya naman ito ang ginamit niya sa 40th anniversary concert sa February na gagawin sa Newport Performing Arts.
Sabi ni Pops nang mag-guest sa Marites University, “It will be a happy concert, sing and dance gaya ng ginagawa ko noon. I feel nervous of course dahil ngayon ko lang uli ito gagawin after several years na wala akong cncert na ganito.
“They will see again Pops singing and dancing!” pahayag ni Pops.
Bongga ang guests ni Pops sa kanyang comeback concert dahil sina Martin Nievera at Gary Valenciano ang ilan sa guests, huh!
Watch ninyo ang interview namin kay Pops sa Marites University.