Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

Vilma at Boyet tinalo ang KathNiel sa pagpapakilig

ni Allan Sancon

NAKATUTUWANG panoorin ang isa sa mga magandang pelikula ng Metro Manila Film Festival 2023, ang When I Met You in Tokyo na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Christopher de Leon, Cassy Legaspi, Darren Espanto at marami pang iba.

Siguradong mag-eenjoy din kayong panoorin ang pelikula nina Ate Vi at Kuya Boyet dahil sa galing nilang umarte at kitang-kita pa rin ang chemistry nilang dalawa sa big screen bilang loveteam kahit may mga edad na.  Tinalo nila ang KathNiel, JaDine, LizQuen, AlDub maging ang FranSeth at KyleDreasa pagpapakilig ng mga manonood sa pelikulang ito.

Pinatunayan lang sa pelikula na ang pag-ibig ay walang pinipiling edad. Nakakikilig pa rin sina Ate Vi at Kuya Boyet sa kanilang mga eksena lalo roon sa eksena na ikinakasal sila suot ang Kimono  at ang bed scene nila na nakatutuwa. 

Paniguradong marami kayong magiging  realization sa pelikulang ito, isa na rito ay ang sarap pala magmahal lalo na kung walang hinahanap na kapalit. Isa pa, ang tunay na pagmamahal pala ay hindi masusukat sa kung gaano kayo nagsama ng matagal kundi roon sa quality ng pagsasama ninyo kahit sa maikling panahon lamang.

Most of the scenes ay kuha sa Tokyo, Japan kaya napakaganda ng cinematography ng pelikulang ito. Maging ang editing ng pelikula ay maayos. Ipinakita sa pelikula ang ganda ng Tokyo, Japan.

Very promising din ang akting nina Cassy at Darren na bagamat hindi gaanong ipinakita ang kanilang love story sa pelikula ay kinakitaan din ng kilig ang dalawa sa kanilang mga eksena. 

Deserved naman ni Ate Vi na manalo bilang Best Actress sa pelikulang ito dahil very natural talaga ang akting ng Star For All Season. In fairness walang kupas pa rin si Ate Vi. Siguradong maiiyak ka sa eksena niya with Boyet.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng When I Met You in Tokyo, huwag n’yong  kaligtaang panoorin dahil tiyak kikiligin kayo kina Ate Vi at Kuya Boyet. 

Siguradong matutuwa rin at  mag-eenjoy ang buong pamilya habang pinanonood ang pelikula. Palabas pa rin ang When I Met You in Tokyo in Cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …

Innervoices

Innervoices tropeo ang mga kanta

HARD TALKni Pilar Mateo TROPEO! ANG iba ansabe sa basurahan daw ang tuloy. Kasi, ayaw …

Rouelle Carino Matt Monro Michele Monro

Rouelle Carino binati ng anak ni Matt Monro

I-FLEXni Jun Nardo GALING naman ng Eat Bulaga na mahingian ng video greeting ang anak ni Matt Monro para …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …