Sunday , April 13 2025

Walang paki sa aksiyon ng CCG  
CHINESE AMBASSADOR PABALIKIN SA CHINA

121123 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan

THEY have no heart.

Ito ang tahasang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri laban sa Chinese Coast Guard (CCG) o tropang intsik kaugnay ng panibagong pambu-bully sa pamamagitan ng pag-spray ng tubig sa tropang Pinoy na magdadala ng supplies sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Scarcorough Shoal.

Ang pahayag ni Zubiri ay kasunod din ng pagbatikos at pagkondena ng mga senador bukod kay Zubiri na sina  Senador Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada,  at Senadora Grace Poe.

Naniniwala ang mga senador na isa itong paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng International Law of the Sea.

“Again I urge President Ferdinand Marcos, Jr., to send the current Chinese Ambassador home. He has done nothing to address the continued attacks of his government on our troops and on our people,” ani Zubiri.

“Ang mga aksiyon ng China coast guards ay hindi dapat nangyayari. Ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao, batas ng dagat at nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa soberanya ng Filipinas. We stand united in condemning these latest aggressive actions taken by CCG. We will not be cowed by any actions to intimidate or undermine our sovereign rights,” ani Estrada.

“The Philippines may be facing a giant in the West Philippine Sea, but we must also be reminded that David had defeated Goliath. Might does not give China the right to fire water cannons at our vessels, make dangerous maneuvers or block humanitarian missions,” ani Villanueva.

“With China’s bullying rearing its ugly head anew with the water cannon firing, we must be consistently resolute in defending our territory. The intentional attack is a violation of international law,” mariing pahayag ni Poe.

Naniniwala ang mga senador, panahon na upang umupo at makipag-usap nang masinsinan ang pamahalaan sa China ukol sa naturang isyu at usapin.

Aminado ang mga senador na tila wala nang dating ang mga inihahahin nating diplomatic protest dahil pauli-ulit na ginagawa ng CCG ang pambu-bully sa mga tropang Pinoy.

Humanga ang senador sa pagiging matatag at matapang ng tropang Pinoy sa pagharap sa naturang pambu-bully.

About Niño Aclan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …