Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shakeys Super League Thanksgiving 2023
PERSONAL na iniabot ni Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President at CEO Vic Gregorio (naka-upo pangalawa mula sa kaliwa) kasama ang SPAVI General Manager, Jorge Concepcion at ACES President Ian Laurel at Finance Director Ariel Paredes ang mga cash check sa mga representatives ng 16 na kalahok na paaralan. (HENRY TALAN VARGAS)

Shakey’s Super League Thanksgiving 2023

SA ikalawang magkakasunod na season, matagumpay na nakaipon ng subtantial proceeds ang Shakey’s Super League sa mga laro ng Collegiate Pre-Season Championship nito.

Ang mga pondong ito ay ipapamahagi sa lahat ng mga kalahok na paaralan, na mag-aambag sa pagpapahusay ng kani-kanilang mga programang pang-atleta.

Sa pamamagitan ng Super League Bundle, nakaipon ang SSL ng napakalaking donasyon na P11,983,800 ngayong season.

Noong Martes sa Shakey’s Magallanes, personal na iniabot ni Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President at CEO Vic Gregorio kasama ang SPAVI General Manager, Jorge Concepcion at ACES President Ian Laurel at Finance Director Ariel Paredes ang mga cash check sa lahat ng 16 na kalahok na paaralan.

Gagamitin ng mga paaralan ang mga donasyon ng Shakey para sa mga intensive training camp sa loob at labas ng bansa, gayundin para sa pagpapabuti ng kanilang mga gym at kagamitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …