TAHASANG sinabi ni Surigao Del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel na lumalakas na ang panawagang kanselahin ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) matapos mabigong isumite ang annual financial and operations reports.
Sa ilalim ng Republic Act 9209, ang batas na nagkaloob ng prangkisa sa Meralco, obligasyon nilang magpasa ng annual financial and operations reports.
Ayon kay Pimentel, batay sa records, ang tanging isinumite lamang ng Meralco ay mula 2018 hanggang 2022.
“The financial report is different. If you did not submit your reportorial requirement for these years, then well, basically, you have already violated Section 14 of Republic Act 9209,” giit ni Pimentel sa pagdinig ng House committee on legislative franchises kaugnay ng privilege speech ni Laguna Rep. Dan Fernandez.
Naunang nanawagan si Fernandez na hatiin sa tatlo ang mega franchise ng Meralco dahil sa lumabas na overcharging nito sa mga customer, isang malinaw na paglabag sa prangkisang ipinagkaloob ng Kongreso.
Iginiit ni Pimentel, ang kabiguang sumunod sa batas ay batayan upang ikansela o bawiin ang prangkisa.
“‘An Act Granting The Manila Electric Company A Franchise To Construct, Operate And Maintain A Distribution System For The Conveyance Of Electric Power To The End-Users In The Cities/Municipalities Of Metro Manila, Bulacan, Cavite And Rizal, and Certain Cities/Municipalities/Barangays In Batangas, Laguna, Quezon And Pampanga.’ — It is very clear in Republic Act 9209 that the submission of reports should be done on a yearly basis. Now as stated by the ComSec (Committee Secretariat), they submitted only for several years,” dagdag ni Pimentel.
Batay sa datos, pitong beses lamang nagsumite ng reporting requirement ang Meralco simula nang pagkalooban ito ng prangkisa noong 2003.
Binigyang-diin ni Pimentel, kung 20 taon na ang Meralco, dapat ang report nito ay 20 na siyang nakasaad sa batas .
“If you did not submit your reportorial requirement for these years, then well, basically, you have already violated Section 14 of Republic Act 9209,” pun ani Pimentel sa Meralco at paghingi ng paliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang prangkisa.
Ang naging tugon ng kinatawan ng Meralco ay inire-reconcile pa ang records.
Dahil dito, ipinunto ni Pimentel, patunay at pag-amin ito na talagang mayroong problema ang kanilang mga records at hindi sila sumusunod sa itinatadhana ng batas.
Ang panawagan ni Fernandez sa Kongreso na hatiin ang mega-franchise ng Meralco sa tatlo ay kasunod ng akusasyon na ito ay nagging ‘monopolistic utility’ dahilan upang mabigong mapagsilbihan nang maayos ang 7.6 milyong customers nito bukod pa sa paniningil ng overcharge sa loob ng siyam na buwan.
“It’s high time we renew its franchise to pave the way for the split of the mega-franchise we granted Meralco. If possible, we can split it into three franchises since Meralco actually operates in three sectors in Luzon — NCR (National Capital Region), South Luzon (Calabarzon) and North Luzon sector of Pampanga and Bulacan,” ani Fernandez sa kanyang privilege speech.
Tinukoy ni Fernandez, na bahagi hg 70 porsiyento ng koryente sa Luzon ay kontrolado ng Merlaco kung kaya’t nagagawa nilang manipulahin ang operasyon ng power producers at sellers.
Naniniwala si Fernandez, sa 60 porsiyento ng gross domestic product mula sa NCR, ay maaaring manipulahin ng Meralco ang Philippines’ economic growth dahil sa kanilang pagkontrol sa suplay ng koryente sa buong Luzon.
“They are monopolistic,” diin ni Fernandez. (NIÑO ACLAN)