Sunday , December 22 2024
new Senate bldg

Bagong gusali ng Senado ‘white elephant’ hanggang 2025

MALABO nang magamit pa ang itinayong gusali ng senado sa 2024 at ang mga senador na magtatapos ang termino ngayong 2025.

Ito ay sa kabila ng pagsusumikap ni Senadora Nancy Binay, Chairman ng Senate committee on accounts na masunod ang unang plano na magamit ang naturang gusali sa umaga bago ang pagbibigay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Hulyo 2024.

Ayon sa impormasyong nakalap mula sa isang mapagkakatiwalaang source, kahit nakatayo na ang gusali ay malabong dumating ang mga equipment na kakakailangan para rito.

Nabatid na ang isang equipment ay darating pa lamang sa gusali ng senado sa ikalawang linggo ng Enero 2024 at ang iba ay gagawan pa lamang ng order at inaasahang sa 2025 pa ang dating.

Ang mga equipment na ginagawan pa lang ng order at hindi pa alam kung kailan ang dating ay ang mga kailangan ng Public Relations Information Bureau (PRIB) para matiyak na masasaksihan nang tama at maayos ng publiko ang sesyon ng mga senador.

Ang bagong gusali ng senado ay mayroong 11 palapag na pinalilibutan ng apat na tower at may tatlong basement.

Dahil dito, tanging ang mga bagong mahahalal na senador sa darating na 2025 senatorial at local elections ang makagagamit ng bagong gusali, malabo na ito para sa SONA 2024.

Gayonman, planong umarkila ng mga equipment at kumuha ng ibang manpower para magamit ang naturang gusali ngayong 2024 ngunit nangangamba ang ilan na magiging dagdag gastos ito sa parte ng senado.

Bukod sa dagdag na manpower, kailangan din sanayin ang mismong mga empleyado ng senado upang maging gamay at pamilyar sa paggamit ng equipment. (NIÑO ACLAN)  

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …