Thursday , April 10 2025
PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

INANGKIN ng Philippine Canoe-Kayak team ang pangkalahatang kampeonato sa napagwagihang 21 medalya kabilang ang 10 ginto sa Asian Cup Canoe Championship nitong weekend sa Shing Mun River, Shatin sa HongKong.

Ang tandem nina Lealyn Baligasa at Kimly Adie Balboa ang nagpasigla sa kampanya ng Pinoy, ngunit si Joanna Barca ang nagningning sa 10-man Philippine crew sa nakubrang tatlong individual event gold sa tatlong araw na kumpetisyon na inorganisa ng HongKong China Canoe Union.

Nakuha ni Barca, ipinagmamalaki ng Palo, Leyte, ang tagumoay sa Women’s U23 C1 500-meter, 200-meter at 23km marathon events para tanghaling ‘most outstanding athlete’.

Tinapos ng 19-anyos na si Barca ang 500m race sa loob ng dalawang minuto at 44.63 bago nakuha ang 200m sa loob ng isang minuto at 7.83 segundo na tinalo ang kanyang mga karibal mula sa General Association of Macau Canoeing. Nakumpleto niya ang  sweep sa kanyang event nang pangunahan ang marathon 23km event sa oras na 2:47.10.

Sinimulan nina Baligasa,22, mula sa Tubalan, Malita Davao Occidental at Balboa, 18, mula sa San Miguel, Leyte ang impresibong ratsada ng Pinoy nang dominahin nila ang unang event na nakataya (1000m) sa bilis na limang minuto at 31.83 segundo laban sa pares ng host team.

Hindi nila nakuha ang kanilang ikalawang gintong pagtatangka na pumangalawa sa Taipei duo (2:11.29) sa Open K2-500m na nagtala ng 2:29.46 bago ang Hongkong (3:35.29).

“We’re very proud and happy sa campaign ng team. Mga bata at experience ang kompisyon ng ating team. Kailangan nila ang exposure na tulad nito, kaya doble ang pasalamat namin sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at sa mga private friends naming na sumusuporta at tumutulong sa amin,” sambit ni  Philippine Canoe-Kayak and DragonBoat Federation (PCKDF) president Leonora ‘Len ‘ Escollante.

Noong nakaraang linggo sa Puerto Princesa, Palawan, nangibabaw ang PCKDF paddlers at nasungkit ang kabuuang titulo na may apat na gintong medalya sa International Dragon Boat Championships.

Ang iba pang gold medalists ay ang beteranong SEA Games campaigner na si Ojay Fuentes sa men’s Open C1 500m (2:14.87) at Open C1 200m (48.81); Janus Ercilla sa Men’s U23 C1 23km (2:23.51); Lealyn Baligasa sa women’s U23 K1 23 km (2:25.31); John Paul Selencio sa men’s Open C1 23km (2:16.18), at Jobert Penaranda sa Men’s U23 K1 Marathon 18.4km (1:40.55).

Kabilang sa mga nanalo ng silver medal ay sina Neljohn Fabro (U23 Ci 23km, 2:31.24); Kimly Adie Balboa (U23 K1 23km, 2:32.02), Ojay Fuentes (Open C1 23 km, 2:19.09); Carla Joy Cabugon (U23 K1 500m, 2:33.78, U23 K1 200m, 56.22 at U23 marathon 18.4km, 1:57.04)); at Janus Ercilla (U23 C1 500m, 2:15.67 at 200m, 43.90), habang si Ercilla ay nagdagdag ng bronze sa U23 K1 marathon na nagtapos sa 1:43.29 gayundin si Jobert Penaranda sa Men’s U23 K1 1000-meter (64:5). (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Arrest Shabu

Buy-bust ops sa Arayat, Pampanga
P6.8-M shabu nasabat, big time HVT tiklo

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Arayat MPS Station Drug Enforcement …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …