I-FLEX
ni Jun Nardo
MAPAPANOOD na sa Netflix ang Borracho Films movie na Mamasapano (Now It Can Be Told). Ito ang inanunsiyo ng lawyer-producer na si Atty. Ferdie Topacio na ang isa sa layunin ay makagawa ng magandang movie at mahikayat ang manonood sa sinehan.
Bukod sa pagpasok sa Netflix na tatagal ng isang taon, bumuo na rin ng pool of talents gaya ng stars, directors, at writers.
Ang isang project na nakatakda nitong gawin ay ang One Dinner A Week na si Kim Chiu ang gusto nilang magbida sabay tanong, “Hiwalay na ba?” na ang pinatutungkulan ay ang boyfriend na si Xian Lim.
Of course, ibinalita rin ang pag-resume ng shooting ng isang movie na ipalalabas sa January 2024.
Ratsada sila sa paggawa ng movies at pagtuklas ng talents, huh!