Monday , December 23 2024

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

112923 Hataw Frontpage

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng power distribution rate ng  Manila Electric Co. (Meralco) na pinaniniwalaan ng ilang mambabatas na dahilan kung bakit tumataas ang singil sa koryente.

Ang panawagan ng senador ay kasunod ng pahayag ni dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera sa isang pagdinig sa Mababang Kapulungan na dati nang nakasanayan ng Meralco na sagutin ang pagpapasuweldo sa mga consultant ng ERC na inatasang tumukoy ng weighted average cost of capital (WACC) na kalaunan ay nagre-reflect sa electricity bill ng mga konsumer pero ngayon ay hindi na rin ito ginagawa.  

Ayon kay Gatchalian, hindi nararapat na bayaran ng Meralco ang pagpapasuweldo sa mga consultant ng ERC, isang regulator agency.

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng privilege speech ni Laguna Rep. Dan Fernandez (lone district, Sta. Rosa) na tumukoy sa unadjusted WACC bilang isa sa pangunahing dahilan kung bakit tumataas ang singil sa koryente sa Filipinas — lubhang pinakamataas sa buong Asya.

Ayon kay Fernandez, ibinatay ang computation ng kasalukuyang WACC ng  Meralco noong panahon na kailangang makaagapay sa Asian financial crisis ngunit hanggang sa kasalukuyan na wala nang krisis ay patuloy pa rin ang pagtaas ng singil ng koryente.

“Habang inaasahan natin na ang bagong distribution rate ay magiging mas paborable para sa ating mga konsumer, asahan natin ang isang refund kung naaangkop,” ani Gatchalian.

Binigyang diin nito na dapat suriing mabuti ng ERC ang mga bahagi ng pagtukoy sa WACC ng Meralco, na nananatili sa 14.97% simula pa noong 2015. Ang WACC ay isang mahalagang papel sa pagtukoy ng distribution rates.

“Dapat siguruhin ng ERC na patas at tama ang lahat ng bayarin na ipinapasa ng mga distribution utilities sa mga konsumer. Hindi dapat nagbabayad ang mga konsumer ng higit sa nararapat,” ani Gatchalian.

Batay sa pinakahuling timeframe ng ERC, ito ang pagpapasya para sa fifth regulatory period rate reset para sa mga distribution utilities (DUs) kasama ang Meralco sa Marso 2024.

Kung tutuusin, atrasado nang mahigit isang taon mula sa orihinal na petsang ginawa ng ERC para makompleto ang reset rate ng Meralco.

Nauna nang sinabi ng Meralco, ang lahat ng bahagi ng electricity bill ay dumaan sa legal at regulatory approval at sila ay sumusunod sa mga kautusan batay sa pagsusuri ng rate ng ERC. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …