PATULOY na isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagtugon sa pangangailangan para sa matibay na diplomatic protection, masusing pre-departure orientation, at mahusay na reintegration program.
Kaugnay ito kamakailan ng insidente ng hostage-taking sa Red Sea, 17 Filipino seafarers ang kabilang sa mga biktima, at higit na nagbigay-diin sa mga panganib na kinakaharap ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ani Cayetano, “sa pagnanais na suportahan ang kanilang pamilya at tulungan ang ating ekonomiya, matapang nilang hinaharap ang mga ‘di-inaasahan at delikadong sitwasyon sa ibang bansa.
“Our overseas Filipino workers are our modern-day heroes. They sacrifice so much to provide for their families and contribute to our national economy. We owe it to them to ensure that they are protected and well-cared for,” pahayag ni Cayetano noong 2016.
Iminungkahi rin ni Cayetano ang 24/7 hotline at increased labor attaches, na ang kahalagahan ay lalong napatunayan noong maganap ang hostage-taking sa Red Sea.
Importante ang pagtuturo sa OFWs hinggil sa mga posibleng panganib na kaakibat ng kanilang pangigibang-bansa.
Alinsunod sa kanyang layunin na palakasin ang kakayahan ng OFWs na magkaroon ng informed decisions para maprotektahan ang kanilang sarili mula sa pang-aabuso, isinusulong ni Cayetano na magkaroon ng sapat na orientation seminars at pagbuo sa isang database ng mga naka-blacklist na employer.
Importante ang isang komprehensibong reintegration program, tulad ng adbokasiya ni Cayetano na mabigyan ng financial assistance, trabaho, at psychological counselling ang mga nagbabalik-bansang OFWs.
Ang mga OFW, madalas bansagang “unsung heroes” dahil sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa, ang laging unang apektado tuwing may mga pandaigdigang problema at sagupaan. Ang hindi-natitinag na suporta ni Senador Cayetano sa kanila ay paraan ng pagkilala sa kanilang mga sakripisyong nagdadala ng pag-unlad sa Filipinas.
Matapos ang nagdaang insidente, nararapat harapin at solusyonan ng bansa ang mga hamon na kinakaharap ng OFWs.
Ang ipinapakitang liderato ni Cayetano ay magsilbing paalala ng kolektibong responsibilidad na bigyang-pugay ang kanilang mga sakripisyo. (NIÑO ACLAN)