Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis na makikilala ang sports hindi la,ang bilang libangan bagkus sa kompetitibong aspeto sa international community.

Ayon kay PPF president Armando Tantoco, may 70 pickle club na sa buong bansa at patuloy ang isinasagawang clinics, seminars at torneo sa mahigit 100 playing courts sa Manila at mga lalawigan.

“Pickleball is the fastest growing sports hindi lamang sa ating bansa bagkus sa buong mundo. Nag-originate ito sa Amerika, sa Washington partikular. Hindi mo kailangan ang malaking venue dito at madaling iorganize ang mga laro bukod sa mura ang kagamitabn kaya maraming Pinoy ang nahuhumaling dito,” ayon kay Tantoco.

Sa kasalukuyan ang dating tennis phenom na si Clarice Patrimonio, anak ng dating PBA star na si Alvin, ang numero unong player sa kababaihan sa Pickleball sa kasalukuyan.

“Itong laro kasi ay combination ng table tennis, tennis at badminton, kaya madaling matutunan ang basic at makabisado ang laro,” ayon kay Tantoco.

Iginiit ni coach Joel Cano na ang ginagamit na paddle at bola na gawa sa plastic ay mabibili sa lahat ng sporting good store. Kahit sa mga tindahan sa Quiapo meron kang mabibili kaya hindi mahirap hanapin ang equipment kung gustong maglaro.

Aniya, sa mga nagnanais na matuto ng pickleball, buksan lamang ang opisyal Facebook page ng grupo gayundin ang website ng PPF upang matukoy ang mga lugar at courts kung saan malapit sa kanilang tinutuluyan.

“After clinics and seminars, tuloy agad sa kompetisyon. Sa simula talaga kakapain mo ang lato pero pag nasanay na madali,” ayon kay Cano.

Sinabi ni Tantoco na nakatuon ang kanilang programa palakasin ang kamalayan ng Pinoy sa pickleball, habang hinihingtay nila ang opisyal na pagkilala ng International Olympic Committee (POC) sa Global Pickleball Federation bilang International Federation sa sports.

“Kaya hindi pa kami natanggap ng POC dahil yung 2 international federation nagbabanggaan. Kaya nabuo yung Global kung saan affiliated kami, Pag nasanctioned na ito ng IOC babalik kami sa POC para humingi ng membership,” ayon kay Tantoco. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …