Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jirah Floravie Cutiyog Chess
MAKIKITA sa larawang ito si Filipino child prodigy Jirah Floravie Cutiyog na nagtala ng magkasunod na panalo sa Girls 14 and under section matapos gibain si Zuzanna Gaszka ng Poland sa 42 moves sa Caro-Kann Defense, Advance variation.

Cutiyog nanalo muli, umakyat sa 1st

ni Marlon Bernardino

MONTESILVANO, Italy– Nasungkit ni Jirah Floravie Cutiyog ng Pilipinas ang kanyang ikalawang sunod na panalo nitong Martes, 14 Nobyembre, at nakisalo sa liderato sa FIDE World Youth Chess Championship sa Pala Dean Martin centro congressi sa Montesilvano, Italy.

Ipinakita ang porma na naging dahilan kung bakit siya naging prodigy ng PH chess, si Cutiyog ay humawak ng puting piyesa upang talunin si Zuzanna Gaszka ng Poland sa 42 moves ng Caro-Kann Defense, Advance variation at itinaas ang kanyang kabuuang 2.0 puntos pagkatapos ng ikalawang round sa Girls under-14 section.

Ang General Trias City bet na si Cutiyog na suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Mayor Luis “Jon Jon”Ferrer IV, Vice Mayor Jonas Glyn Porto Labuguen, OIC City Sports Jon Jon Comandante, at Vice Governor Athena Bryana Delgado Tolentino, ay makakaharap si Woman Candidate Master Bozhena Piddubna ng Ukraine sa susunod na round.

“I really feel good about my game,” ani Cutiyog.

“Naalagaan ko yung isang pawn na malaman matapos siyang magsakripisyo sa opening,” dagdag pa niya.

Pahayag ni General Trias City Chess Club President at Coach Ederwin Estavillo, “Pumasok sa preparation natin. Linya sa chess yan na ginagamit ni Filipino Wesley So.”

Nakaiskor din si FIDE Master Mark Jay Bacojo nang itala ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa Boys under-18 section nang talunin niya si FIDE Master Tymon Ochedzan ng Poland sa 63 moves ng Sicilian defense, Alapin variation.

“Mahirap yung position buti nakuha sa tiyaga,” ani Bacojo na nasa gabay nina Dasmariñas Mayor Jenny Barzaga, Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., at National Coach FIDE Master Roel Abelgas na nakamit ang una sa tatlong IM Norms sa 18th IGB Dato’ Arthur Tan Malaysian Open Chess Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Setyembre.

Samantala, nakihati ng puntos si FIDE Master Christian Gian Karlo Arca kontra kay FIDE Master Gustas Morkunas ng Lithuania sa kanilang Caro-Kann Defense Exchange variation tungo sa pag poste sa 1.5 points sa Boys under-14 section.

Nakuha ni Arca ang bentahe sa 25th moves subalit nabigo niya maipanalo dahil na sa sa solidong tira ng Lithuanian counterpart sa mga sumunod na tagpo.

Bigo naman sa Round 2 sina Woman National Master Kaye Lalaine Regidor at Woman National Master Franchesca Largo.

Natalo si Regidor kay Woman Fide Master Erdenebayar Khuslen ng Mongolia sa 44 moves ng Sicilian Defense, Alapin variation sa Girls under-16 section habang tiklop si Largo kay Jana Sosovickova ng Slovakia sa 42 moves ng English Opening sa Girls under-18 section.

Matapos ang first-round loss ay nakabalik sa kontensiyon si National Master Oscar Joseph Cantela ng gibain si Alessandro Gallina ng Italy sa Boys under-section  habang nagpakitang gilas din si Woman National Master Bonjoure Fille Suyamin na naka ungos kay Saadhika Bagley ng United States sa Girls under-14 section.

Samantala, talo din si Anica Shey Dimatangihan kay Ani Avetisyan ng Armenia sa Girls under-14 section,  tikop din si Maureiin Lepaopao kay Samyukta Sivashankar ng Luxembourg sa Girls under-14 section at kinapos din si Mark Gabriel Usman kay Miraziz Kuziev ng Uzbekistan sa Boys under-14 section.

Si Charly Jhon Yamson ay kumuha ng bye sa second round ng Boys under-14 section.

Ang iba pang miyembro ng PH age group chess team na suportado nina NCFP Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Pichay, Jr., NCFP CEO GM Jayson Gonzales and POC President ay Mayor Abraham “Bambol” Tolentino ay sina Grandmaster Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr. (Head of Delegation and Coach) at Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza (Coach).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …